Kwentong Pusa

Soloista Problems

​Di pa rin umuuwi nanay ko! Magtatatlong buwan na ata. Uhm. Dumadalaw dalaw naman sya minsan.. Dati once a week. Tas magsi-stay sya for 2 or 3 days. Hanggang sa naging overnight na lang. Tas ngayon two weeks na syang di napapadpad dito haha. Di naman sa gusto ko syang nasa bahay ano.. Actually, mas gusto ko nga yung ganto e tahimik lang. Kaso nga makalaaaat!!! Wala kong time maglinis ng bongga. 

Tas ngayon heto, wala akong gasul. Di ako sanay maligo na walang hot water pero tinitiis ko. Inaantay ko kasi umuwi si mama para sya ang umorder ng gasul. Ewan ko.. Praning lang. Takot ako magpadeliver e. Pano kung rapist pala yun or psychotic killer o magnanakaw o kung ano man. Sori na kung parang judgemental. Di talaga ako komportable pag may lalaki sa bahay. Tas lalo na at mag-isa lang ako.. Katakot kaya.

Pero hirap na hirap na nga ako. So tinext ko siya nung sunday sabi ko iorder na nya ko ng gasul. E ayaw rin nya ewan ko ba don. Sabi lang nya madaya daw kasi yung gasul ambilis maubos. Pagdating na lang daw nya. Sus ano pinagkaiba nun e isa lang oorderan nya. Feeling ko natakot din sya bilang wala akong kasama sa bahay wahaha.

So ayun. Hanggang ngayon di pa rin sya umuuwi at wala pa rin akong gasul. Mukha lang akong di gumagamit ng gasul kasi di ako nagluluto pero naman.. Kahit ganto ako syempre nagpiprito naman ako ng hotdog or ham pag sobrang gutom. O di kaya Ho-Mi noodles. Or itlog. Naggigisa din ako ng de latang tuna at corned beef. Kelangan ko talaga ng gasul!!

Bale sa ngayon.. Lalong di na ko masyado kumakain sa bahay. Bumili lang ako ng tinapay at palaman. Ayun lang dinner ko last week gabi gabi. Tapos minsan naman pag may naiuuwi akong ulam galing sa opisina at ginutom ako sa gabi.. Nagsasaing din ako, buti nga at may rice cooker! Kadalasan naman di na ko nagdi-dinner talaga. Pero lagi akong may food galing sa office, pinapakain ko lang sa mga alaga ko.

Bale dinner lang talaga ang problema ko. Kasi sa office na ko nagbi-breakfast at may libre din kaming lunch. Lagi kami maraming food walang problema sa gutom. Tas pag weekend nasa galaan naman ako. Minsan nakikitambay lang at nakikikain sa mga tita ko o kung saan man haha.

Minsan iniisip ko siguro kelangan ko na mag-asawa or live in. Para may kasama na ko at may mag-aalaga na saken. Yung may magluluto na for me or atlis may maipagluluto na ako. Nakakatamad magluto pag para lang sa sarili mo e. Tas minsan nakakalungkot din kumain mag-isa. Nakasanayan ko na lang din.

Di nga ako sanay nung halimbawa nasa resto kayong magbabarkada. Tas oorder ng food. Tas di naman sabay sabay dumarating yung food. Parang naiilang sila kumain hangga’t wala pa yung food nung iba. Gusto nila kakain lang sila pag lahat kami may food na. Parang ganun. Basta ganun. Kahit dalawa lang kami or marami.. Kadalasan sa mga nakakasama ko ganun. E ako.. Waley! Kakain ako pag dumating na yung food ko. Di ko alam kung wala akong etiquette pero friends ko naman yung mga yun so feeling ko okay lang. Saka alam naman nilang gutom na ko en everything at matagal akong kumain.

Sanay din akong kumain mag-isa. Kahit ako lang or may kasama tas yung kasama ko hindi kumakain. Yung ibang tao kasi naiilang, siguro nasanay silang may kasama kumain. Parang pag nasa ibang bahay ako.. Yung mga magulang strikto sa oras ng pagkain. Tipong paulit ulit nilang tatawagin lahat.. Dapat sabay sabay. E pano pag di pa ko gutom?! Hrrgh. Ganun ba talaga pag sa family?! Kami kasi ni lolit (nanay ko) inaaya naman nya ko pero pag di ako gutom keri lang. Walang nagaganap na panenermon. Kakain na lang ako pag nagutom or kung kelan ko gusto. Pag di ko bet luto nya nagpapagisa pa ako ng de latang tuna. Kahit nakaligpit na sya ng kusina nun at nakahilata na sa kwarto nya babangon pa din yun. Kasi di ako pwede magutom syempre. At feel ko din na pinagsisilbihan ako.. Minsan lang naman. Hmm. Parang alam ko na kung bat ayaw na bumalik ni lolit haha! 

Sa ngayon e super busog na busog naman ako. Gusto ko sana mag-tea kaso wala kong hot water. Hayy. 

Saka inaantok na ko. Daldal ko waha. Gooood bam! ^_^

Advertisements

2 thoughts on “Soloista Problems

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s