Kwentong Pusa

Series of Unfortunate Hanash

Di ko alam kung madi-depress na ba ako or what. Pero ayun nga ata ang gustong mangyari ng Universe. Pero bakit nga? O bakeeeet!? hrrgh.

Nawalan ako ng phone. ULIT. grabe.. anong kamalasan ba ito? In a span of 2 years nakawala ako ng tatlong phones – Xperia Z1 (1 month), Samsung S2 (2months) at nung sunday lang Xperia XA Ultra (1 month)! Grabe ni hindi sila nagtatagal sa mga kamay ko.. ANONG MERON!? Tapos nakasira din ako ng Xperia Z2 na tumagal sa akin ng 1 year at kalahati. And feeling ko kaya lang sya tumagal sakin e dahil sira yung signal nya.. meaning di ko sya ginagamit for call and text. ANO YUN? Anong trip nila!? nakakamagkano na ako sa cellphone lang? grabe ang yaman ko ah! Di ko nga afford ang iPhone pero kung kukwentahin ko yung mga nagastos ko sa phone e naka-iPhone 7 na sana ko ngaun.

Ang malas ko!! BAKET!?

Tapos ito yung moment na ang daming “SANA PALA ganto ginawa ko..” or “SANA PALA di ko na lang nilabas phone ko” o di kaya “SANA PALA di na lang ako lumabas ng bahay”.

Pero seryoso… Sana pala umabsent na lang ako sa school! Nasa Dumaguete pa sana ako nung sunday eh. Kaso dahil sa school nagpa-book ako ng bagong ticket pauwi ng Saturday. Galing pa lang kami nun sa Siquijor sobrang nararamdaman ko nang ayoko talaga umuwi. Willing ako umabsent sa school.. Tutal may ticket pa ko nun for sunday. E kaso nga last day daw namin sa MPA at may exams pa, may report pa ko at may ipapasa pang papers.

Ang ending e umuwi pa rin ako ng saturday kahit masama ang loob. Tas pinagdasal ko na lang na sana may mangyaring maganda sa sunday para naman hindi sayang yung sinakripisyo kong oras para sa Dumaguete Trip. Ang galing talaga… Naiwan ko nga rin pala yung eyeglasses ko sa buhanginan ng Apo Island nung mga sandaling yun. Umuwi akong bulag. hirap na hirap ako pumara ng bus pambihira.

6:30am ng Sunday nasa bus ako sa bandang likod papasok ng school. Ka-chat ko pa si Gracie kasi nag-aalala akong naiwan sya sa Dumaguete mag-isa. Nag-post pa ko ng picture ko with pawikan sabay greet ng “GOOOOOD MORNING” sa mga facebook superfriends. pinasok ko yung phone ko sa bulsa ng bag at kinuha ko naman yung report ko para sa araw na yun. Ayun lang talaga yung time ko para magbasa. Wala pang 10 minutes ang lumipas may bumaba sa harapan ko at lumipat ako ng upuan. Dinukot ko yung phone ko sa bulsa para i-check kung nagreply si Gracie at para tingnan kung may nag-comment sa picture na pinost ko. sabay biglang wala na yung phone ko! In denial pa ko, baka sa iba ko na ilagay or baka naisiksik ko sa kaloob-looban ng bag. Pero hinde.. sure na sure akong sa bungad lang sa bulsa nakalagay yun. Dun ko nilagay kasi wala akong balak itago sya na tagong tago dahil may kausap ako at sinilip ko lang konte yung report ko. sobrang saglit lang yun.. pero wala na nga. wala na yung phone ko.

Natahimik ako saglit at nag-isip. palinga-linga sa likod as if naman may makikita ako. mejo natanggap ko naman agad na wala na yung phone ko. so kinalabit ko yung katabi ko at nakiusap na makikitext.. tinext ko si Kyo. sabi ko tawagan nya yung phone ko kasi nawawala. hindi na daw nagri-ring. wow. expert yung nakakuha.. tinanggalan agad ng sim card. nice! Pagdating ko sa PUP nag-internet ako sa computer shop at tinry i-locate yung phone kaso waley! location unavailable na. dinelete ko na lang ung laman at ni-lock kahit di ko lang alam kung effective yun. sana nga kahit pano nabura man lang mga files ko.

Tapos.. ayun. pasok sa school. nakakatawa pa naman ako. naisip ko bibili na lang ako ulit ng bago. kunwari Cherry Mobile worth 5k tapos iisipin ko na lang 25k yung phone kong yun. huwaw!

Wala nga rin palang nangyaring maganda nung araw na yun. Uhm… Walang exams at di kami pinag-report. Di ko alam kung matutuwa ako? E para dun nga lang kaya ako pumasok e. Sana talaga nag-stay na lang ako sa Dumaguete huhu. Di na lang sana talaga ako pumasok. hrrgh.

Pagpasok ko naman sa office wala akong internet. kainis… kahapon ko pa tinatawagan yung Bayantel e pero sabi nga nagpa-schedule na daw sila para may pumunta sakin bukas. kainis kaya. wala na nga akong phone wala pa akong internet sa office. Ang saklap! Gusto ko pa naman i-post mga pictures ko sa Siquijor at Apo Island.

Tapos kaninang umaga.. nasigawan ako ng supervisor namin. matandang babae yun. laging highblood. ewan ko din pero normal na sa kanya ung ganun sya magsalita. at kahit naman sino sa opisina sinisigawan nya ng ganun maliban lang sa mga boss talaga. hindi maganda ang tono nya pag nagsasalita, lagi syang galit. ung sigaw nga nya sakin kaninA tila may hugot pa.

Nag-time in ako tapos wala pala kong pirma sa Attendance Sheet. Punta sya sa pwesto namin sabay sigaw ng “SI MAE BA ANJAN?” tapos nung nakita nya ko “NAG-TIME IN KA WALA KANG PIRMA!” gulat kami lahat. nagkatinginan. ang lakas ng boses nya at pagalit ang tono. para bang sinasabi nya “PINATAY MO NANAY KO! HAYUP KA!” ganun. ang talas ng mata nya.. seryoso! may pag-ismid pa sya sa akin na normal lang din sa kanya. nakakatawa pa ko nung simula e “AY, BAT SYA GALIT?” pumirma naman ako tas balik sa pwesto namin. tapos ayun na.. na-realize ko galit na pala ako. sinasabi ko lang sa mga friends ko dun.. ayoko na sinisigawan ako. walang naninigaw saken ever. kahit sa call center dati walang naninigaw.. tapos ginagaya na namin ung tono nya “ASAN NA YUNG PULBOS!” pagalit. joke joke lang. marami pang ganun kaso maya-maya naiiyak na ko. NAIYAK AKO SA SOBRANG GALIT! sobrang galit. di ko talaga gusto na sinisigawan ako. feeling ko hindi naman ako napahiya.. kasi kahit yung mga tao dun sanay na sa ugali nya at deadman lang talaga kahit gano pa sya magsisigaw dun. eh ewan ko.. sobra kong umapaw e. kasi a week before nun nasermunan din nya ko tungkol naman sa pag-lunch out ko. basta. ang tagal din bago ako tumahan, ang dami kong luha!!! namaga lang mukha ko bwisit sya.

Tapos nung hapon naman.. napagalitan ako ng boss ko! yung big boss namin. ewan ko ano bang meron sa araw na to.

Wala akong phone. wala rin akong internet. walang trabaho. ano gagawin ko!? super bored na ko sa pwesto ko edi nagtingin na lang ako ng pictures namin sa computer. maliit lang ung nakabukas na window sa screen ko. ganun lang ako talaga kahit sa bahay. nasanay ako sa call center na malilit lang ung mga apps at kung anu-anong window kasi marami kaming binubuksan na system at kelangan lahat un nakikita sa screen ng sabay sabay. nasa reception area ako. ung monitor ko kitang kita sa labas. naiintindihan ko namang bawal ako basta basta maglaro or magbukas ng kung ano anong website kasi hindi magandang makita ng kung sino-sinong napapadaan sa opisina. ewan ko naman anong kamalasan ang dumapo sakin.. biglang dumating ung boss namin tapos napatingin sa monitor ko sabay sabing “WAG KA MAG-FACEBOOK JAN AT MAKIKITA KA NILA.. TRABAHO ANG GAWIN MO” wow. Ni wala akong internet please! ni hindi ako nagbubukas ng facebook sa computer ko kahit pag may internet ako. grabeee! nirerespeto ko yung boss ko na un at takot ako dun. susuwayin ko lahat pero sya hinde. tas ngayon heto, namarkahan na ko! hrrrgh.
Di ko na alam anong klaseng mindset pa ang gagawin ko para lang wag na ko ma-frustrate. Siguro maglilista na lang din ako ng blessings ko sa buhay.. siguro naman “blessed” pa rin ako kahit pano.

Uhm….

Err…

Basta. marami akong blessings.

Pero kelangan ko na bumili ng bagong phone. Para masaya na ko ulit at di ko na maisip yung mga nawala kong phone! Hmm. ano kaya bibilhin ko..

Teka. Wala nga pala akong pambili!!!! WAAAAAAA!!!! T_T

Advertisements

4 thoughts on “Series of Unfortunate Hanash

  1. wahhhhhh ate, pareho po tayong nawalan ng phone. huhu. first time kong nadukutan. nakakainis. sayang yung sd card dun. 2 years memories. + yung sim card ko since highschool. nakakapanghinayang šŸ˜¦

    1. aww.. yung pictures ko naka-back up naman ung iba kahit pano. kaso nagstop ako kasi nung wala ko internet e bumagal phone ko mejo marami din tuloy nawala huhu.. ung sim card ang nakakapanghinayang talaga pag ganyan tas since highschool pa?! sana kung naitabi mo ung sim bag pwede pa un ma-retrieve same number..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s