Kwentong Pusa

Natanga. Nanakawan. Nagtext kay Sir Bato.

May bago na ‘kong phone!

Okay naman na ako. Parang mabilis ko lang din natanggap na wala na sya.

Buti na lang sanay na kong laging nawawalan haha! Feeling ko nga ready na ko laging mawalan e. Ano ba mga nawala sakin… Hmm.

SIM CARD. Eto yung sa tingin ko e pinakaimportante pag nawawalan ng phone. Pero napaghandaan ko nga un. 2014 pa yung number ko na un tas tinago ko yung sim bag (kasi yung number ko  before un.. hindi ko naitabi ung sim bag e nawalan din ako ng phone nun! napilitan ako tuloy magpalit ng number kasabay ng bagong bili kong phone). Kaya nung nawalan ako ng phone nung August nakakuha ako ng sim card with the same number. Tas tinabi ko ulit yung sim bag.. Nagamit ko din sya nung nawalan ako ulit ng phone nitong nakaraan lang. Kahit parang ayoko na nga.. Malas ata yung number na un e. Tss.

So ganun lang nga. Para magamit mo yung parehas na number, isu-surrender mo lang sa service provider mo yung sim bag o kahit anong ebidensyang sayo yung number na un. At kelangan din ng Affidavit of loss.  Mura lang un may tig-50 sa amin hehe. At dalawang valid ID’s. After ilang oras lang active na ulit ung number mo.

PICTURES. Nakaugalian ko nang maglipat ng pictures sa notebook ko from time to time. Pero yung mga gala ko lang.. Ginagawan ko kasi ng album. Tapos bukod dun e may DROPBOX ako.. Isa rin un sa mga favorites ko. Maganda rin kung naka-ON yung camera upload mo para automatic pag nakakonek ka sa WiFi maa-upload na sa dropbox lahat ng naka-save sa gallery kahit videos or mga na-download na pictures at screenshots ng inii-stalk mo sa Facebook. Jackpot kung mag-selfie yung snatcher, may instant ebidensya ka na at pwede mo agad syang ipa-blotter.

Tapos gumagamit din ako ng Google Photos. Parang mas gusto ko na nga sya e.. Mas organized.

Yung Dropbox ko at Google Photos nabubuksan ko sa PC ko. Hwoooh… I love you, Internet!!!

MUSIC. Luma akong tao. Yung playlist ko ten years ago, ayun pa rin ang playlist ko hanggang ngayon. So nasa computer ko lang mga music ko.. Yung kaunti kong bagong download nasa PC ko lang din.

SMS. Sentimental akong tao.. Gusto ko lahat naka-save kahit mga text messages. Buti ngayon pati SMS nare-retrieve ko na. Salamat sa GO SMS! Sana dati pa may ganung app. Hayy.

CONTACTS. Pag nagsi-save ako ng contacts hindi na sa sim card or sa phone.. Sa Google account ko lang! Kaya kahit ilang beses na ko nawalan ng phone di ko naman naiwala contacts ko.

NOTES. Mahilig din ako magsulat ng kung anik anik. Gamit ko naman Evernote at Journey na parang Diary app. Favorite ko yung Evernote, naka-sync din sa PC ko 🙂

APPS and GAMES. May list naman sa Playstore account ko, madali lang mag-reinstall. Ayun nga ata ang dahilan kaya ayoko din mag-Apple. Di ko alam kung malilipat mga account ko. Pano!?

20k. Ayun yung nakakaiyak kaya ayoko na lang isipin haha. Pero nung nawalan ako ng Xperia Z1 dati, bumili din ako agad ng Z2 – mas maganda! Mas bongga! Nung masaya na ko sa Z2 nakalimutan ko na agad yung nawala kong phone 😀

Yung sa Z1 ko kasi first time ko nun bumili ng mamahaling phone at brand new. Bago nun lagi lang ako pang-second hand. Mga pinaglumaan ng mga friends ko ganern. Kaya ang sama talaga ng loob ko. Akala ko matagal kaming magsasama.. Gumastos ako ng malaki kasi all-in-one gadget ko na sya. Sulit! tas ganun lang ang nangyari.. nalungkot ako talaga.

Kaso ngayon.. Nung nawala yung Xperia XA Ultra ko.. Wala kong pambili ng mas bonggang phone. Inisip ko na lang ano ba kelangan ko sa phone.. Hmm.. Camera. 3GB RAM. Hindi nakakahighblood na battery life. Marshmallow. Ayun.  Inoffer saken LG G4. Di ako masaya masyado kasi hindi ko sya alam gamitin. Sobrang nanibago ako.. Pero ngayon mejo naaral ko na sya at okay naman pala. Naha-hide ko yung mga pictures na gusto kong i-hide. May auto-music pag sinalpak ko yung earphones. Screenshot at voice recorder.. Ayos naman.

Ayoko lang talaga sa kanya yung camera! Grabe.. Walang tatalo sa camera ng Sony Xperia!! Huhu.. Pero okay lang. Tiis tiis. Pag yumaman ako bibili ako ng bonggang bonggang xperia haha! Kelan kaya yun.

At para naman hindi ma-access nung magnanakaw yung mga account ko sa social media and everything.. ni-remote lock ko yung phone ko at dinelete ang mga files. Ewan ko lang nga kung nag-work haha! kase mukhang hinde..

Grabe sya! Nakigamit pa ng account ko sa IwantTV!!

Kapal ng fez!! Bigla akong nabadtrip. May access pa sya sa mga account ko!? Hala! Sa badtrip ko nagtext ako kay Sir Bato. Yes, si sir PNP Chief! Meron palang “TEXT BATO” hotline hehe.

Akalain mo yun.. Ni hindi ko nga pinangalandakan sa Facebook ko na nawalan ako ng phone eh. Tas kay Sir Bato nakuha kong magsumbong! Nakakahiya kasi.. Alam ko na sasabihin ng mga friends ko eh.. “AYAN KASE. DI KA NAG-INGAT” oo na.. ako na tanga. alam ko naman yun. tama na, kalimutan na natin yun. siguro nga di ako maingat. samantalang dati halos 5 years akong call girl at nasa graveyard shift. Uwian ako nun Bulacan – Mandaluyong. Never ako nawalan ng wallet or phone. hayy.

Sinabi ko lang.. Sana bigyang pansin din nila yung mga nananakawan ng phone. Lalo ngayong magpapasko. Malakas ang loob ng mga mandurukot na yan, snatchers at akyat-bahay gang kasi alam nila pag nakuha nila ung phone at kung anu-anong gadgets hindi na sila mahuhuli. E kung gugustuhin ng mga kapulisan natin kayang kaya naman nila ma-track yun.. Kagaya nung kumuha ng phone ko, ginagamit pa nya ung account ko. Nag-online sya. Kayang kaya nilang ma-trace kung asan si koya at yung phone ko! Ayun nga lang mejo nakakatawa kung iisipin mong may pupuntang mga pulis sa lugar na yun para lang sa phone ko e ang dami pang problema ng bansa. Pero why not diba? Malay mo hindi lang ako ang biktima nya. Malay mo hindi lang pang-uumit ang krimen nya. Pano kung sa susunod iba na ang gawin nya?

Pero ayun nga. Sasabihan ka lang na “SANA KASI NAG-INGAT KA” kasi wala nang magagawa pag nakuha na ung gamit mo.

Natuwa naman ako sa TEXT BATO hotline, ang bilis mag-reply!! Hindi nila ko natulungan pero natuwa ako kasi sumagot sila! Ang galing!!  Post ko na lang yung text nila sakin 😀

PNP BATO: “Magandang umaga po sir/ma’am, tungkol po sa sinasabi nyo ang alam ko po sa CIDG at ACG ang may mga tracker pagdating po diyan. dito po sa text bato wala po kami nun sir/ma’am. siguro yung area po kung saan kayo nadukutan ay kulang sa police visibility kaya po malayang nakakapang snatch ang mga masasamang loob na yan. be vigilant po lage at siguraduhing safe ang mga gamit pag umuuwi. This is a free msg.”

Natuwa lang ako. di ko inexpect na may sasagot e waha! Parang gusto ko magsumbong ng iba ko pang problema kagaya ng tungkol sa love life, tuition fee, midlife crisis at kung anu ano pa.

Sana kasi ni-reset man lang nya ung phone e. Kabadtrip kaya. Buti na lang wala akong sex scandal dun. Magsawa sya sa mga selfie ko at pictures ng mga pusa ko!

Anywaysss, parang okay naman na ako sa LG ko. Sana tumagal ang aming pagsasama 🙂

Advertisements

5 thoughts on “Natanga. Nanakawan. Nagtext kay Sir Bato.

  1. Ang yaman lang . bumili ng mas bonggang phone nung nawalan. hahaha

    May affidavit of loss pala talaga pag nawalan ng simcard at gustong iretain si number. Nice to know. 🙂

    1. Sobrang sama kasi ng loob ko nun.. Perstaym e. Di ko alam pano makaka move on. Ganun lang pala.. Parang pag-ibig! Pag iniwan ng jowa, maghanap ng mas bonggang jowa. O di kaya gawing mas bongga ang sarili. Haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s