Kwentong Pusa

Animeimei

Gaano ako ka-tinatamad sa buhay ko?

Uhm. Ayun. Facebook. Basa. Scroll down. Basa. Like. Scroll down. Click link. Ekis. Facebook. Scroll down. Like. Scroll. Basa. Click link.

Tapos maya maya nakita ko yung page ng “Kami ang Batang 90’s”. Nostalgic syempre. Lagi namang ganun ang feels sa page na yun. Umay na nga e.

Puro anime.. Naalala ko tuloy yung collection ko ng Questor Magazine. Naipost ko na rin yun dati sa luma kong IG e. Pinapost nga lang ni Dhimp nun kasi natutuwa sya sa collection ko. Ayun ung mga panahong super adik ako sa anime.

Tapos naisip ko.. May mga kagaya ko din kaya na nagcollect ng Questor noon? In fairness maganda talaga yung mag na yun. Magagaling mga writers tapos maganda rin quality ng print. Hindi puchu puchu. First 3 issues nya tig-140 tas naging 180 hanggang sa after a year naging 200 na. Dun ako unti-unting nahinto sa pangongolekta.

Estudyante lang ako nun.. Luho nang maituturing ang pagbili ng magazine. 100 nga lang baon ko nun e, sakto pamasahe at food. Kaya nakakabili lang ako nun pag may extra money ako.. Halimbawa pag may okasyon o may nadalaw na kamag-anak tas nakyutan sakin bibigyan ako ng pera pang-load daw ganern. O kaya pag sinasabi ko sa lola ko may “special project” sa school hehe. Ganyan lang naman ang luho ko dati.. Books at magazines. Hanggang sa maadik naman ako sa online games.

Saka tinamad na rin ako sa Questor nung kinarir nila yung pinoy manga.. Naappreciate ko naman. Kaso hindi naman yun yung pakay ko sa Questor e.. Gusto ko yung mga articles at reviews nila tungkol sa mga anime. At mga pictures syempre.. Tas nung nag-manga sila ilang pages na yung nasakop, kumonti na yung features nilang anime. Feeling ko nasayang na pera ko.

Pero ngayon sobrang tine-treasure ko pa din mga anime collection ko. Pipichuran ko din sila minsan at ipopost. Kayamanan ko din yung Questor magazines ko.. Binabasa ko pa din sila paminsan minsan.

Tapos nag-message ako sa KB90’s naisip ko lang i-share yung picture ng questor mags ko hehe. Wala lang.. Baka interesado sila or what. Tapos baka may maka-relate although di ako sure kung familiar nga sila sa Questor. Parang di naman yun sikat dati.

Gulat lang ako kasi nagreply sila. Tas may something pa about shirt daw. Huwaw! May libre?! Ayoko nga sana magpost sa wall nila kasi baka lumabas sa timeline or newsfeed o kung ano man. Nahiya ako waha! Di nga ko masyadong nagfi-facebook e. Pero kung may libreng shirt deadma na!
Di ko lang alam kung ipo-post nila. Pero naexcite ako.. May mga magko-comment kaya?! May makaka-relate ba. Parang nakaka-excite makita yung mga taong galing din sa mundong ginagalawan ko dati. Meron ba?! Sana ipost nila 🙂

Advertisements

8 thoughts on “Animeimei

      1. Hehe, hindi ko na rin kasi binabasa. Hindi naman ganoon karami, mga 5 issues yun na circa 2002 pa (bago na nga yung Questor logo).

        For C3 naman, dalawa lang din yung meron ako – yung double-issue featuring the Gosiengfiao sisters tsaka yung Issue 15. Nakakalungkot lang na bigla silang tumigil sa pag-publish noon, tapos malalaman mo na lang na karamihan sa mga staff nila ay nag-indie na rin.

        A few months ago, noong nandoon pa ako sa dati kong trabaho – nakalaban namin yung publisher ng C3 (J. C. Palabay Enterprises) sa DepEd bidding…kaso natalo sila 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s