Kwentong Pusa · Mismei Travels

Dumaguete-Siquijor-Apo Island Triple Combo Tour!

Kwento ko lang yung recent trip ko hehe.

Nag-overnight ako sa Dumaguete!! Muntik pa namin yun i-cancel kasi nga may pasok kami sa school. E kaso nga sayang naman.. Excited na kami bumili ng gayuma at magswimming kasama ng mga pawikan! Sa madaling sabi, tumuloy pa din kami woohoo!! Pero imbes na 3D2N ginawa naming 2D1N. Nagulat nga din ako kasi pwede pala talaga!

DAY 1 – SIQUIJOR

Umaga kami nasa Dumaguete. Direcho na agad ng Siquijor! Naabutan pa namin yung 8AM trip at 1 hour lang din yung byahe.

Pagdating sa Siquijor, marami nang lumalapit sa aming nag-aalok ng tricycle tour. Naappreciate ko din naman kasi mejo organized sila don. May “pricelist” pa nga ng mga tour.. Nasa tig-1k tour package yung gusto naming puntahan — Balete Tree, Cambugahay Falls at Salagdoong Beach. Meron pa ngang Capilay Spring Park pero di na kami bumaba ng tricycle kasi parang wala lang din naman sya. Tapos may Lazi Church din, ang ganda! Buti bumaba kami hehe. Marami pang tinuturo si kuya na mga tourist spot pero ewan ko ba at ang tatamad namin.

Nagpahatid lang din muna kami sa Charisma Beach Resort para makapag-iwan ng gamit.

First Stop – Balete Tree

wp-image-1883937832jpg.jpg
Andito yung mga souvenirs!

At sa halagang 5 pesos makakapagpa-footspa ka na. Nakakatawa lang kasi ang lalaki ng mga isda dito, mga adult na Tilapia haha!

wp-image-923339672jpg.jpg

Ang sarap din tumambay lang sana kaso may iba pa kaming pupuntahan kaya nagpaalam na ko sa mga isda. May baby unggoy nga din pala dun. Ang cute cute nya~

wp-image-826203372jpg.jpg

Second Stop – Lazi Church

Ito daw yung oldest church sa Siquijor. Ang ganda nga sa loob e kahoy pa yung sahig, old school!

wp-image-1819812879jpg.jpg

Ang ganda din sa labas at may munting chapel si Mama Mary. Nagsindi rin kami ng kandila.

wp-image-729572050jpg.jpg

0-02-08-f47b408d4ce81516cc55e0a641b1abb298335b4c15555898fb47712e539ade00_full
Yung mga puno sa Siquijor tila may sariling buhay! Yay!

3rd Stop – Cambugahay Falls

At dahil falls, syempre may konting trekking. Buti nga at maayos na ang daanan, may hagdan! Kaso mga 100 plus steps kalurkey. Pababa pa lang kami iniisip ko na kung pano kami pabalik.

Pero nung nakita ko yung tubig sa falls.. Wow! Ang ganda~ parang Hagimit falls sa Davao.

Super naexcite ako kasi ito yung highlight ng Siquijor Tour namin.. Yung Tarzan Jump!! Takot na takot nga ako.. Ayoko kasi yung nalulubog yung ulo ko sa tubig, feeling ko malulunod ako. Pero nakita ko naman yung ibang tumalon parang mababaw lang.. Mga 2-3 seconds lang ako malulubog if ever so keri na! Grabeee super saya!! Yung mga kasama ko paulit-ulit nag-tarzan jump ako isang beses lang haha!

wp-image-1094361790jpg.jpg

Super proud ako talaga sa sarili ko feeling ko ang sporty ko na nyahaha! Safe din naman yung babagsakan sa tubig, mababaw lang sya tapos nagulat nga yung kasama ko kasi ang weird daw hindi mabato! Hindi talaga.. Buhangin e. Usually daw pag ganung may falls bato bato ung nasa bagsakan ng tubig.

 

Super naenjoy ko yung tarzan jump ko! Pag-akyat namin nahilo si Ana. As in putlang putla sya tas di na makatayo. Tinulungan lang kami ni ateng nagbebenta ng refreshments. Mga 15 minutes din nyang minamasahe si Ana. Kung superstitious siguro kami iisipin naming nausog sya or nabulungan.. O di kaya nakursunadahan ng tikbalang o ng kung anong maligno. Tapos matatakot ka kasi napapalibutan kami ng locals. Nagpahanap si ate ng white flower dun sa mga tricycle driver at may nakapagprovide naman. Kung praning ka baka isipin mo love potion yun or langis na may kung anong spell. Pero hinde.. White flower nga lang. Ako pa nga ang pinagpahid nila sa taas ng tiyan at pinahilot sa ulo nya. At hindi sya nabulungan.. Nahilo lang sya dahil sa gutom!! 3AM pa huli nyang kain sa bahay nila nun at di sya sumabay samin ni gracie nung nagbreakfast kami sa Dumaguete bago bumiyahe pa-Siquijor. E 2PM na nun. Ako nga gutom na eh, sya pa kaya! Tapos tanghaling tapat yung tour namin at naglublob sya sa malamig na tubig. Tapos umakyat sa hagdan na may 100 plus steps. Sinong di mahihilo?! Pero buti nga umayos din pakiramdam nya.

Wala ko masabi.. Ang babait ng mga tao dun! Napansin ko nga parang nung sa Antique din. Bat ang babait ng mga tao sa probinsya?? Nakakatuwa sila..

Naglunch na rin muna kami sa carinderia at pagkakain.. Tuloy ang tour!

Last stop – Salagdoong Beach 

Ang haba ng byahe papuntang Salagdoong Beach. Magki-cliff diving kasi dapat si Ana e kaso naman… Soooobrang taas pala dun!! Tas di sya makahugot ng lakas ng loob samin ni Gracie kasi mas takot kami. Halos di nga ko makalakad sa platform haha!

0-02-08-757aa297e1469a70fc128fd3d0be65b45b29410fc4d630f5343fccb660cc911d_full

Basta. Nakakatakot! 30 feet yun!!! Kaya ayun. Photo op na lang! Teka may pic din akong nakaharap e.

0-02-08-3456721e63ae1154d4d89e4ecfbffdd35c47fbd063dd8b5ccef33153e1c5747e_full
Di ako takot! Hindi talaga. Hindeeee!! Wag kang ano. Sinong naninigas? Sus. Para yan lang. Haller!!

Di ko rin naenjoy yung beach, pampang beauty lang ako tas malumot pa. Edi waley. Uwian na.

Bonus – Salagdoong Forest

Feeling ko talaga may hiwaga sa lupain ng Siquijor e. Kakaiba mga puno nila dun!! Eto yung sa kalsada papuntang Salagdoong Beach.

0-02-08-b73c8e3128120b4b9b4afb3c1e7deefc3dcbf279163484bbe3db45fc77ab4501_full

Tas mahabang byahe ulit pabalik ng Charisma.

End of tour – Charisma Beach Resort

Mga quarter to 4 kami natapos sa tour. Magpa-paddle board sana kami sa Charisma kaso di pala pwede pag low tide. Ang pangit din ng beach nun.. Super low tide nga! Walang mapaliguan. Pero naaliw ako sa pink sand. PINK!!! Totoong pink!! Pano kaya nangyari yun. Nagpichuran na lang din kami habang nag-aabang ng sunset.

0-02-08-c53fd4786135b66be12f97564672d268826639565f3a2fe2450ee4d216384a5b_full
Di masyadong achieved sa camera pero pink yan talaga haha!

At dahil di makaligo.. Tumambay lang din kami ulit. Sobrang chill. Ang saya! Ang cute cute pa ng mga aso dun hehe.

0-02-08-10bce5016e883fc4f1748b54b87faafcb5a8f57180f9f90977c6e6d1bc8d392e_full

0-02-08-80c57cbdcb7f7a44ab92bf4cd0f75a7c9e6f78cfe237be8b59c7d0625eb7969c_full

Wala rin palang sunset. Ewan. Buti may swimming pool.. Ang saya saya sa swimming pool nila hindi malamig ang tubig. Sarap lang magbabad habang nagchichikahan. Sobrang chill! Ang sayaaa!!

Pero dahil probinsya nga.. Wala na rin kaming magawa after mag-dinner. Aga naming natulog! Na okay lang naman kasi maaga pa kaming gigising.

Kinontrata na nga pala namin yung nag-tricycle tour samin para sunduin kami at ihatid sa pantalan kinabukasan. 5am ang check out eh, mahirap na baka wala pang tricycle nun.

DAY 2 – APO ISLAND

6AM nasa port na kami! Buti may byahe ng ganun kaaga kaso naman.. RoRo pala yun, sooooobrang bagal! Imbes 1 hour lang pag fastcraft e inabot ng halos 2 hours yung byahe namin from Siquijor to Dumaguete! Nagmamadali pa naman kami. Tsk.

0-02-08-45c662798142baaa624f11665d7b53250d456516c4086f07e3e954a56fe023fd_full-0
Goodbye, Siquijor!!!

Buti rin pala malapit lang yung Harold’s Mansion sa Dumaguete Port. Quarter to 8 kami dun. Balak ko sana sasabay kami sa group tour kaso nakaalis na daw! Ayun.. Commute! Bus sana kaso may tricycle na nag-alok samin ng service. Mejo may kamahalan sa halagang Php350 compared sa Php50/head pag bus pero pinatos na namin. Tamad eh! Saka ayos na rin siguro.. Atlis nakadaan kami sa Chowking para bumili ng packed lunch.

Mga 9:30 nasa Registration na kami for Apo Island Tour. Php2000 ang boat roundtrip. Pwede rin sumabay sa ibang grupo para makamura kaso iba nga iba ang oras namin baka magkaproblema pa. Pinatos ulit namin yung 2k.

After mga 30 minutes nasa Apo Island na kami!

0-02-08-7191605ccdcffd58999238967c2a7f293aa1d7d0e4caaa289229950deffa0cfb_full
Ang gandaaaa!! Tas isipin mo, nasa tabi tabi lang nyan yung mga sea turtles!!!

Organized din ang tour dito. May fixed price para sa lahat.. Ayos na din para walang naloloko! Pabor sa mga foreigner kasi sila ung laging nabibigyan ng mas mataas na rate. Kawawa naman yung mga gaya kong mahilig makipagtawaran haha! Tinry ko nga tumawad kaso di nakalusot. Pero in fairness bongga kami mag-tip ha.

Nakapwesto kami sa cottage at nabigyan na ng snorkeling gears. Super excited na ko pero kumain muna kami. Baka may mahilo na naman eh. Tapos.. Tapos.. Eto na! Waaaa!!!

Ang pinakaaabangan kong swimming with turtles!!! Buti nga may life vest at salbabida. Di rin kami pinabayaan nung guide namin, nakakatuwa sya ang galing pa sumisid!

Di rin ako makapaniwalang may sea turtles sa paligid ko! At ang lapit lapit ko sa kanila. Sobrang surreal! Kitang kita ko sya waaa! Bawal lang hawakan pero hinawakan nila ana di nakapagpigil haha.

0-02-08-89ee725a00b3804d1a80ed46b3fcf5775330168d25e0454acf428d786a5f7a03_full
Ang cute cute nya~

Di ako marunong lumangoy at takot ako sa tubig.. Ayoko yung pag di ko na abot yung lupa.. Takot!! Pero sobrang naenjoy ko yung sa Apo Island. Dinala pa kami ni kuyang guide sa malalim na part kung saan may coral reefs. Ni hindi ko napansin, malalim na pala talaga! Ang galing!!

0-02-08-37b2083efae2e4592ea47307b8e22ffb08902432bd74db1bab61a20b18c5b4dc_full

0-02-08-5e9b8190966f465edd9d7ecc2cc4ef2d89ebb2315c21dcf233a07cc54274e3cd_full
Tuwang tuwa ako sa pic ko na to, first time ko mag-snorkeling ng bongga e 😀

Super proud ako sa sarili ko nyaha! Kaso umahon na rin kami agad, tulala na si Gracie eh! Nagpa-panic na pala hehe. Natakot daw sya nung nasa malalim kami pambihira. Tapos pagod na rin si Ana. Ayon.. Di na kami lumublob ulit. Pahinga lang konte at lumarga na rin.

Tinamad na rin kami magbanlaw at imbes na mag-bus pabalik ng Dumaguete, nag-tricycle kami ulit! Ayos na rin atlis nakadaan kami sa Sans Rival Bakeshop para bumili ng pasalubong.

1PM nasa Harold’s na kami ulit at dun nagbanlaw. Nag-merienda lang sa rooftop. Chill. 3:30PM nag-tricycle na kami ni Ana papuntang airport. Si Gracie naman naiwan pa hehe.

6:30 PM nasa NAIA na kami. Ang sayaaa!

EXPENSES

1200 – Airfare RT
1000 – Siquijor Tricycle tour
2200 – Charisma Beach Resort
950 – Harold’s Mansion
2000 – Apo Island boat (max 4pax)

Apo island fees

100 Environmental fee
100 Tour guide
100 Snorkeling mask
100 Life vest
100 Snorkeling shoes
300 table/cottage

Basta. Mga tig-5k kami all in. Mas tipid pa kung di kami pabebe. O kaya kung di kami nag-stay sa Charisma.. Pwede naman kasing by 3PM pabalik na kami ng Dumaguete. Pero gusto nga namin yung sunset sa beach dun. Na di naman namin nasilayan haha!

Tapos andami ko nabiling pasalubong at souvenirs!

0-02-08-dca7fc401a26912cb8c0339afc4bb80a4a06925ef16e20082a853275daffc72e_full

Sobrang tine-treasure ko din yung moment ko with sea turtles, meron pa kong Apo Island shirt at turtle necklace nyaha!

TRAVEL TIPS:

1. Bumuo ng squad na pwedeng kidnapin for this trip. Pwede rin magsolo kaso magastos..

2. Mag-abang ng Seat Sale (Manila – Dumaguete)

3. Planuhin ang trip. Gumawa ng IT. Mag-research tungkol sa lugar na pupuntahan.. kagaya ng schedule ng mga ferry and everything. Yung mga pawikan naman sa Apo Island dapat umaga kayo andun habang high tide. Ire-rekomenda ko na rin yung Harold’s Mansion sa Dumaguete 🙂

4. Mag-ipon ng pocket money – mga 3k to 4k. Depende kung anong klaseng traveller kayo. Pero maganda kung may dala kayong extra money pambili ng souvenirs at wag na wag kalimutang bumili ng Silvannas. Soooobrang sarap!

5. Wag na isipin yung hindi magagandang chismis tungkol sa Siquijor. Totoo man o hinde, maganda dun pramis!

6. Pwede nyo ko isama. Gusto ko bumalik dun plessss!!!! :’D

Advertisements

2 thoughts on “Dumaguete-Siquijor-Apo Island Triple Combo Tour!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s