Kwentong Pusa

Asim check

Nagpunta kaming cubao kaninang lunch. Si Ana magpapa-check up, didiskarte ng Med Cert para sa sick leave nya bukas. Tapos si Airene naman magbabayad sa PNB. Ako.. wala. sabit lang. Tapos naghabilin ng Milk tea si Shiela.

Pagkatapos naming kumain sa Tokyo Tokyo nagkanya-kanya na kaming landas. Magtatawagan na lang kami pag tapos na ung mga pakay namin at sabay-sabay ding babalik ng opisina.

At habang nasa Chatime naman ako.. Biglang may boylet na naki-table saken! Okay lang naman din kasi inaantay ko lang ung order ko tapos aalis na ko. Kaso maya maya inii-small talk na nya ko. Di ko na masyado matandaan mga pinag-usapan namin basta nabanggit ko kung saan ako nagwowork. sabi ko kasi lunchbreak ko lang nun at takas lang ako sa office. mga 5-10 minutes din siguro yun. hmm. tapos umilaw na ung coaster ko. ready na ung order ko for pick up sa counter! Ang awkward kasi nagsasalita pa sya e kelangan ko na kunin ung order ko. tapos nung nasa counter na ko tumayo na rin sya at nagpaalam. iniisip ko pa naman kung pano ako magpapaalam sa kanya. buti nga at nauna na sya.

Ang weird! Ni wala syang order. Nakiupo lang sya talaga dun. So ano, type ba nya ko or maga-aalok lang sana sya ng insurance? O baka budol budol kaso nag-alangan nung malaman nya kung san ako nagwowork (Clue: maraming pulis!)

Pero natutuwa ako pag may lumalapit sakin ng ganun. Lakas maka-feeling maganda!

Siguro mga 5 or 6 times na ko naka-experience ng ganun. saka in fairness mga mukha naman silang maayos. kasi kung matanda o mukhang manyak aba syempre hindi naman nakakatuwa yun. haha!

Ayun lang.

Para sayo, kuyang Chatime kung sino ka man. Iisipin ko na lang na type mo ko kaya mo ko nilapitan. Thank you! feeling ko ang cute cute ko. Sobrang kelangan ko yung feeling na to ngayon. Nyaaaaaw~

Advertisements

6 thoughts on “Asim check

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s