Kwentong Pusa

SEM 2, Let’s roll!!!

Ang saya saya ko! Nakatapos ako ng 1 sem sa MPA ko huhu. Di pa rin ako makapaniwalang naka-survive nga ako.. sobrang tamad ko e! Tas takot na takot pa ko nun. Ang swerte ko lang din siguro sa prof at sa classmates ko, lalo na sa groupmates! Ang sisipag nila, sobra! Ang sarap mag-aral pag ganun ang kagrupo mo hehe.

Nung sa college kasi at highschool mas tamad pa sakin mga classmates ko. ako lagi ang leader, ako lagi gumagawa ng group projects and everything. ngayon lang ako naka-experience nung may ibang umaako ng responsibilidad. tapos hindi kami ung basta nagtuturuan.. talagang aangkinin nila, sila na daw gagawa! haha. ang galing! ikaw na lang mahihiya e.

Tatlong subjects yun.. puro ganun mga naka-grupo ko. pero siyempre may ginawa pa rin naman ako.. may research research din naman at reporting. pero ayun nga. ang gaan lang!

Ano ba meron sa MPA.. hmm. Public Administration. para lang naman sa promotion kaya ako nag-enroll. dagdag credentials ba. pampabango. para kunwari masipag at matalino.

Pero sobrang dali nga lang.. di ko inexpect na ganun. o baka dahil first sem pa lang. pero sana nga laging ganun lang.. isang report lang per subject sa buong sem. research, gawa ng handouts at powerpoint presentation tapos 5 minutes na report ng part mo haha.

May sched na rin kami ngayon for second sem.. tuwang tuwa ako kasi anim na sessions lang ulit from November to March at walang tinamaan sa mga lakad ko! Akalain mo yun, meron akong CDO, Cebu, Singapore at Japan pero walang tinamaan ni isa. Parang inadjust nila ung sked for me. ang galing lang. So.. mage-enroll na ko next week yey!! Alanganin pa nga pala yung Japan ko huhu.. mahal pala dun, baka wala akong pocket money. sad.

Sana din classmates ko ulit ung mga dati kong classmates.. nakakatuwa sila talaga. parang dun lang din ako ulit nakaexperience na mapalibutan ng mga kaedad ko. ayun nga lang mga may asawa na sila at anak. hrrrgh. tapos ang konti ng boys. isa pa naman sa mga hidden agenda ko e makatagpo ng special someone. yiki!

3 sems na lang matatapos ko din to! Pwede na ko mag-asawa! sabi kasi ng lola ko tapusin ko daw muna ang pag-aaral bago mag-boypren-boypren waha! Sana makapangasawa na ako, di ko na keri mag-doctorate! hul~

Advertisements

2 thoughts on “SEM 2, Let’s roll!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s