Kwentong Pusa

Nakakadepress na mahabang araw

Feeling ko ang loser ko huhu.

Kahapon sa office parang ako lang yung di excited sa long weekend.

Meron akong opismate na may climb sa Davao. Yung isa naman may solo trip sa Batanes. Yung iba umuwi ng probinsya para sa undas. Tapos yung iba naman basta excited lang kasi mahaba ang time nila with family or jowa. Tapos ako, ano? Waley! 

Nangopya ako ng movies at mga koreanovela sa opismate ko para may mapanuod ako buong weekend huhu. Tapos nung pauwi kagabi dumaan ako sa convenience store para bumili ng pagkain. Wala akong balak lumabas ng bahay! Bukod sa ayoko ma-stuck sa trapik e wala naman talaga akong maisip puntahan. 

Gusto ko sana mamundok or magcamping sa beach kaso nga wala akong maaya.. Ganto nga pala pag regular na holiday, tagsolo ako lagi. Kasi yung mga friends ko nasa kani-kanilang mga pamilya. Tapos ako lang yung walang pamilya. Sad.
Di bale. Atlis tahimik ako sa bahay tapos nakadalawang movies ako, 12 episodes ng W – Two Worlds at natapos ko na rin yung Coffee Prince na 1 week ko nang pinagpupuyatan gabi gabi. Literal na nakahilata lang ako simula kagabi at maghapon ngayon habang naga-adik sa koreanovela.

May nag-invite din sakin ng dinner.. Napilitan tuloy akong maligo! Tsk. Tapos nakinuod ako ng Pinoy Boyband Superstar. Alam ko na ngayon kung bat di bagay sakin ang may kasama sa bahay. Naiinis ako kasi puro sila comment at panglalait sa show. E alam na nga nilang inaabangan ko yun.. As in yun lang pinapanuod ko sa TV. Ayun lang walang iba. At dahil lang kay Sandara Park. Di ko nga nilalait yung iba nilang pinapanuod at mga idol nila e. Bat nila lalaitin yung gusto kong panuorin. Pag mag-isa lang akong nanunuod sa bahay napapa-smile pa ko at napapatili. Tapos kumikinang mga mata ko pag si Dara na yung nagsasalita.. Ang saya saya ko. Pero kanina.. Waley. Poker face. Saka nawalan na rin ako ng gana. Nakakawalang gana. 

Kaya din pala masaya kasama yung mga KPOP superfriends ko kahit di ko sila masyadong close at tuwing may KPOP event lang nagkikita at nag-uusap. Nakakatuwa pag may kasabay akong nagsa-spazz. 

Hayy. Dapat nga talaga di na ko lumabas ng bahay.

Advertisements

One thought on “Nakakadepress na mahabang araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s