Kwentong Pusa

Scary Things

Katakot #1 – ALYSSA

Nasa Bulacan si Alyssa. ALYSSA = GASTOS. huhu. Nasa byahe pa lang sila papunta samin ramdam na ramdam ko nang nanganganib ang wallet ko. Ang aga nya sa bahay nung 31! Super bored daw sya sa bahay nila, inaya na ko mag-SM. nakoooo eto na. Sine. Foodtrip. Facial. Buti nga at late na kami lumabas nun, di na kami nagpa-mani/pedi at buti rin nga walang Starbucks sa SM namin.

Katakot #2 – OUIJA!!!

Ang usapan namin THIRD PARTY sana. Kaso walang third party.. Ganun ata kasi talaga sa probinsya, limited lang ang palabas. Napilitan tuloy akong mag-Ouija huhu.. Tutal daw kasi Halloween naman, dapat daw manuod kami ng nakakatakot. Literal na nakatakip lang mukha ko buong movie! Ni hindi ko na nga masyadong naintindihan yung story. Sobrang takot na takot ako!!! Hrrrgh. Di ko na uulitin yun!!!! Ayoko talaga ng mga multo multo at exorcism na yan huhu. At ayoko sa sinehan kasi di ko sya mai-mute.

Katakot #3 – BALIW SA PAG-IBIG

Nakakaloka si Alyssa. Walang ibang bukambibig kundi yung jowa jowaan nya. Waaa!! Anyare?! Di ko pa din sya nakikita as “dalaga” eh. Feeling ko forever syang 4 yr old na bata para saken. Tapos ngayon nababaliw na sya sa lalake?! Waaa!! Hindi pwede!!!! Pinapakita pa nya sakin yung mga pictures nila together at may mga holding hands keme na! WAAA!! ano un!? Pero syempre dapat “cool ate” pa rin ako. So pilit kong tinatanggap yung mga sinasabi nya.. Ang cute cute daw ni boylet. Lagi daw sila magkasama. Gusto na nya umuwi sa Las Pinas kasi namimis na daw nya. Nameet na raw nya yung family ni boylet and super nice silang lahat. Ano to?! Feeling nya forever na sila?!

Tapos napag-usapan pa namin yung tungkol sa kakilala kong magpapakasal kasi nakabuntis. Ang argument ko, bat kasi nagchorvahan e di naman pala ready magka-baby at mag-asawa! Tapos ang argument nya, bat daw di gumamit ng protection! O di kaya sana pina-abort na lang. Huwaaat?! Ano na nangyayari sa mundong ito?? Protection?? Abortion?? Hrrrgh. Sumakit ulo ko! Feeling ko magchochorvahan sila ni boylet tapos okay lang sa kanya kasi may “protection” naman waaaa!!! Cannot be!!!!!! Tas kung sakaling may mabuo ipapa-abort nya waaaa!!!! Nooooooo!!! Ano nangyayari?! Bat ganto???! 17 years lang sya huhu.

Tapos tinatanong pa nya ko kung nabaliw na daw ba ako sa love. No. No way. Huhu. Why?! Dalaga na sya?? Hindeeee!!! Hindi ko matanggap T_T

Katakot #4 – SI LOLIT NASA SM!

Habang nasa SM kami ni Alyssa biglang nagtext si Lolit — nanay ko! Nasa SM daw sya. Nakuuuu isa pa yun magpapalibre din huhu. Ayun nga ang sabi, kain daw kami! E kakakain lang namin nun.. ang hirit naman nya magpapasalamin daw sya. Jeskelerd. Ngayon pa talaga?! Nagkita nga kami sa EO. Wala sya sa budget kaya sabi ko pumili sya dun sa mga naka-Sale, yung mga tig-1k lang kasama na lens. Ang arte ng lola nyo, wala daw syang bet! malalaki daw kasi parang bubuyog. Ang gusto daw nya e ung gaya nung sakin. Edi naisip ko ung frame ko na lang nga ang gamitin nya tutal bago naman din yun tapos ako ang kukuha ng malaki. umokey naman sya! Nakuuu! biglaang gastos para sa dalawang eyeglasses!? tsk. Pero ayos na din nga.. Di na rin kase ko komportable sa salamin ko.

Ang ending, ako ung may bagong salamin at sa kanya napunta ung luma ko. kaso mahal din pala yun kahit Lens lang, Php995?! Hul. Tapos yung sakin naman hindi keri ng tig-1k na salamin kasi mataas daw grado ko.. napilitan ako kumuha nung mejo mas mamahalin.. 2k! haha.

Pero minsan naiisip ko talaga.. Sana may nanlilibre din sakin. Kahit pamasahe man lang o Jollibee meal! Bat laging ako ang tagalibre!? Uhm. meron pala dati.. kaso di ako komportable. Parang feeling ko kelangan ko maging nice sa kanya kasi nilibre nya ko. Tapos sya naman feeling pogi kala nya hawak na nya ko. Argh. Ayoko pala ng ganung feeling haha. Pero pag superfriend ko nanglilibre tas para sa lahat or basta di lang ako yung nilibre okay lang naman, di ako nahihiya.

Katakot #5 – ANG LABO NG MUNDO!!!

Super shocked ako sa resulta ng eye check up ko. Ang laki ng itinaas ng grado ko!!! From 2.00 naging 3.00!!! Waaaa pano nangyari yun huhu. Natakot ako. Mabubulag na ba ko?! Dati tigi-isang step lang ang itinataas pag nagpapacheck ako every year. Kaya nga from 1.25 nung 2011 naging 2.00 sya nung 2014. Tas ngayon ganto na?! 3.00 na?! E nung nagpalit ako ng salamin nung 2015 di daw nabago yung grado ko. Tas kakapa-check ko lang nung May this year kasi feeling ko mas lumabo na yung paningin ko, alam ko kelangan ko na magpalit ng salamin. Kaso sabi ni doc di pa din daw nagbago grado ko. Bumili ako ng bagong salamin nun pero same grado pa din. Baka nga kaya lumabo mata ko?! Kasi napipilitan sya sa maling grado?! Hul. Tas ngayon biglang 3.00 na?! Pano nangyari yun??!

Pero tuwang tuwa ako sa bago kong salamin.. Ang linaw linaw na ng lahat waaaa!!! Nakakanuod na ko sa notebook kahit malayo! Dati kahit nakasalamin di ko kaya malayo e. Ang galing! Kaso natakot talaga ako.. Ganto na talaga kalabo paningin ko?!

Katakot #6 – ANG PUSA SA KWARTO!

Lunes yun nung nag-SM kami. tanghali na kami lumabas nun… Tapos pag-uwi ko nung gabi dun ako dumirecho sa kwarto kong may tulugan. kumain lang ako at nagbihis tas nag-adik na ko sa K-Drama.

Nung monday naman paggising ko nuod din ako agad, hinatiran pa ko ni Lolit ng breakfast sa kwarto. Ang dami ng nagtetext sakin nun, what time daw ba ako pupuntang Sementeryo kasi andun na sila lahat. Pero dahil adik ako kakanuod.. mga 2PM na ko bumangon at naligo! Tapos pagpasok ko sa luma kong kwarto kung saan naroon ang mga personal things ko… ANDUN SI BARNEY!!!! waaa! Bat andun sya?

Tapos dun ko lang naisip di na pala ko bumalik sa kwarto kong yun simula nung nag-SM ako. Ibig sabihin nakulong si Barney dun ng 24 hours!? ANG PANGHI!!!! Buong kwarto mapanghi!!! buti nga at walang poop. siguro pinigilan nya or something haha. pero soooobrang panghi!!! sakit sa ilong at masakit din sa ulo hrrrgh. Minsan feeling ko utak-pusa na ako e.. tumingin ako sa paligid at nalaman ko agad kung san sya nagwiwi. ayun. ung may tambak na mga plastic sa gilid. haynako barnikel.

Nag-mop na ko kaso ang panghi pa din. di ako makatagal sa kwarto e, di ko tuloy alam kung ilang beses sya nagwiwi o ayun lang un at talagang matindi lang ang amoy.

Katakot #6 – SEPANX

Miss na miss ko na yung kama ko! May mas nakakatamad pa ba sa work mode after ng 4-day vacation?! Grabeee tamad na tamad ako pumasok kanina! Bat ambilis natapos ng 4 days? Bat may pasok na ulit?? Napuyat pa nga ako kagabi kakanuod ng koreanovela. 2 hours lang tulog ko kagaya ng ibang gabing lumipas. ang adik ko!! Natapos ko yung 2 Worlds ng isang maghapon at magdamag, oha!? bagong record ko ata yun eh. Tapos kung wala si Alyssa nun baka pati yung Healer tapos ko na din ngayon. Hayy.

Gusto ko na humilata ulit at manuod huhu.. Gusto ko na umuwi T_T

Advertisements

6 thoughts on “Scary Things

    1. true!! at yung kanila hindi ganung tumataas kagaya sakin, meron nga e same lang grado nya since college daw nung una syang mag-glasses. kaya grabe reaction ko kay doc nung sinabi nyang 3.00 na grado ko. hanggang kelan na lang kaya bago tayo tuluyang walang makita!? T_T

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s