Kwentong Pusa

Takaw-Aksidente

wp-1478584628112.jpg

Gemini ako. Nakita ko lang sa Facebook haha!

Idi-dispute ko sana kasi kahit pano marunong naman ako magluto. Pero sabi ni Kyo totoo daw yun.. Aligaga daw kasi ako. Pabigla-bigla. Galawgaw. Malikot. Laging wala sa sarili. Di maingat. Ano pa!? Sus. Parang di naman.. hmmp.

Sige na nga. Takaw-aksidente siguro. Kaya nga din ilang beses na ko nawalan ng phone.. Malamang talaga nasa akin na ang problema. Tapos madalas din akong mapatid o masagi sa kung saan-saan, kaya nga normal na din sakin ang may pasa sa hita o sa braso.

Nung undas lang nasunugan din ako ng buhok.. OO. BUHOK! ang daming batang naglalaro ng kandila pero ako yung nasunugan ng buhok. Ang bantot pala ng buhok na nasusunog! buti nga at naapula ko din agad at mejo dulo lang yung nadisgrasya.. di rin masyadong halata nung ginupit-gupit ko yung mga part na may sunog.. Pero kinailangan ko magpalit ng hati ng buhok waha!

Tapos ang latest aksidente ko naman e nung sabado sa ABS-CBN. May pinanuod akong show at dahil aligaga ako kung san pupuwesto.. kung san malapit kay Dara at di makikita ng Camera.. ayun, kakaikot ko nalaglag ako sa stage! may butas kasing part sa gilid pero ewan ko nga bat dun ako napadpad.. nakatayo pa rin ako nung malaglag, saktong sakto lang ako sa butas. akalain mo un!? hiyang hiya naman ako kasi nilapitan ako ng crew at nasa akin atensiyon nilang lahat.. kakahiya!! so sabi ko okay lang ako.. e okay naman talaga.. nakakatuwa rin si kuyang crew gusto nila tingnan kung may sugat daw ba ako or pasa baka nabalian ako or something, may Medic naman daw, magpagamot daw ako. Takot siguro sila na baka biglang magdemanda ako. Pero okay naman nga ako so naupo na lang nga ako sa stage at tinantanan na rin nila ako pagkakuha ng name at address ko. Kaso nung pauwi naramdaman ko na may something masakit sa tiyan ko, tuhod at paa. nagalusan na pala ako at may pasa hehe. nakauwi pa naman ako kaso nung kinabukasan nakahilata lang ako maghapon sa sakit ng katawan ko. hrrgh. buti ngayon okay na.

Ayun lang. di ko rin alam bat ako ganto. minsan talaga nakakahiya na.. kasi yung mga aksidente ko mga katangahan lang talaga. kaya siguro di rin ako natatawa sa mga ganung klaseng jokes. alam mo yung mga funny kunong videos ng mga aksidente at pranks sa youtube.. ayoko ng mga ganun. nakaka-offend kaya. naaksidente na nga yung tao pagtatawanan mo pa. di ako natatawa sa mga ganun kasi feeling ko ako yung pinagtatawan haha. mas gusto ko pa yung mga cat and dog videos o di kaya yung mga Puns or mga nakakatawang articles sa buzzfeed etc.

Natawa din ako sa #JanineLustre na trending sa Facebook! Although feeling ko e nagto-troll lang yung tao. Dalawa lang naman yun, either super talino nya at nauto nya lahat ng tao sa sarcasm nya o di kaya e shunga sya talaga at di updated sa showbiz na feeling ko nga e malabo.. di ako mahilig sa TV pero kilala ko naman ang JaDine. kaloka sya. marunong nga sya mag-facebook eh.

Hmm.. kelangan ko ata ng julalay. minsan kasi ang katangahan ko di ko maiwasan. toink.

Advertisements

2 thoughts on “Takaw-Aksidente

  1. HAHHAHAHA Pinakamemorable talaga sa akin sa nabasa ko ay iyong JanineLustre. Pero agree ako sa’yo, ayoko ng mga funny accidents. Mas gusto ko pa manood ng pusa’t aso na vids! Hindi ko alam kung ano’ng nakakatawa sa mga taong nadidisgrasya, e. Maliban na lang kung kaibigan ko ang madisgrasya. Hahahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s