Kwentong Pusa · PAG-IBIG

Yung taong di mo kailangang habulin

screenshot_2016-11-04-16-58-13.png

Nung friday nga yun nung nagpunta kong Dental Clinic at biglang umulan.. Nagpalinis ako ng ngipin at nagpa-adjust ng retainer. Walking distance lang din yun mula sa office ko. At nasa malapit lang din sya.

Lagi syang anjan for me. Yung di ko na kailangang magsabi.. Laging ganyan lang. “Umuulan, wala akong payong” tapos gets na nya agad. Sa kanya lang din ako hindi nahihiyang magpatulong or mag-ask ng kung anu-anong favor. Kasi alam ko lahat ng ginagawa nya para sakin bukal sa kalooban. Sa kanya lang ako pinakakomportable.

Sya siguro ang may kasalanan bat ang taas ng standard ko pagdating sa mga lalaking nagsasabi o nagpaparamdam ng “I LOVE YOU” nax. Kung maka-“MGA LALAKI” haha! Kunwari na lang marami akong manliligaw. chos! Hirap explain e. Basta.. Feeling ko wala nang magmamahal sakin gaya ng pagmamahal sakin ni Kyo. Feeling ko lahat ng “I LOVE YOU” fake. Maliban sa kanya. Minsan pag may guy na nangangarir saken.. Feeling ko laging hindi totoo. Kino-compare ko kasi sa mga nagawa ni Kyo. Walang wala sila kay Kyo. Siguro gusto lang nila ako ng konti or saglit lang or nakyutan lang o nagti-trip lang. Pero ganun lang.. Walang anything deep. Hindi gaya kay Kyo. Kay Kyo lang yung true love.

Di ko tuloy alam kung matutuwa ba ko o maaasar. Dahil alam ko kung pano mahalin ng totoo, alam na alam ko pag di totoo yung pagmamahal. Di tuloy ako mabola! Di tuloy ako makapagpabebe. Di tuloy ako mauto. Minsan gusto ko maging ganun eh.. Alam mo yung mga babaeng mababaw? Chat chat lang o kaya ilibre mo sa McDo akala nya forever na kayo. Sila yung masasayang babae. Laging kinikilig. Laging naniniwala sa love. Tss. Dahil don lalakas ang loob ni koyang magtapat. Tapos sila na. E ako? Waley! Kahit gusto ko yung guy.. Pag alam kong di nya ko gusto kagaya ng pagkagusto sakin ni Kyo parang ayoko na lang din. O kaya kahit anong paramdam nya, kahit mag-kiss pa kami at yakapin nya ko ng mahigpit.. Hangga’t di nya sinasabing mahal nya ako di ko iisiping mahal nya ko. Kaya si koya tatamarin na lang o kaya matatakot magtapat kasi di sya sure kung pasado na sya sakin. E ayaw nya ng hindi sure. 2 years kaya akong niligawan ni Kyo! At everyday syang naga-I love you sakin nun kahit ilang beses ko syang binasted di sya sumuko. Feeling ko dapat ganun.

Sa panahon ngayon pa naman di na uso ung “PWEDE BA MANLIGAW?” o kaya yung todo I LOVE YOU yung guy kahit nanliligaw pa lang. Masyado na atang takot ang mga lalaki ngayon sa rejection. Kaya puro lang sila pasimple. Pa-fall. Masyadong pa-safe. So si ate girl todo hula.. Gusto ba nya ako? O sweet lang sya talaga. Ang hilig nila sa “Parang tayo pero hinde” ang daming “Pseudo-Relationships” tsk. Bat kelangan complicated? Bat di ka sure sa feelings mo? Bat andami mong iniisip? Kay Kyo simple lang. Pag mahal mo, mahal mo. Sabihin mo. Hawakan mo. And never let go. Ganun lang. Bihira na ko makakita ng ganung lalaki ngayon. Puro na lang landian.

So, ano na nga nangyari sa amin ni Kyo? Uhm.. Matagal na kaming break haha. At totoo pala yung “huli na ang lahat..” kahit anong gawin nya wala ng dating eh. Wala akong maramdaman. Pero anjan pa rin sya pag kailangan ko. At sya lang din ang naging boyfriend ko ever. Pero parang di rin naman ako nainlove sa kanya kahit nung kami pa. Ewan ko. Sabi nga nya zombie daw ako.. Pero gusto ko sya. hmm.

Kung inlove lang ako sa kanya wala na sana akong problema. Masaya sana ako sa buhay ko. Kinikilig sana ako nung nakita ko syang papalapit sakin nung umuulan at may hawak na payong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s