Kwentong Pusa · Mismei Events

ABS-CBN Experience with KPOP Superfriends

After ng PBS Taping, ngayon lang ako ulit nakabalik sa show hehe. Super thanks kay Miss Jenny ng Parkers Republic!

Mag-isa lang din ako ulit siyempre.. Wala talaga akong maaaya sa circle of friends ko pagdating sa mga gantong event.

3PM ang calltime. 2PM nasa McDo Q.Ave na ko.. Sa sobrang excitement ko nun di na pala ko nakakain so kumain nga muna ako sa McDo. Laking tuwa ko nung may tumawag sa pangalan ko… Si Joan!!! Huhu ang saya saya ko.. Sya yung Dara fan din na na-meet ko nung first taping day. Tapos may kasama sya.. At maya maya dumating na din yung iba pa nyang superfriends. Anim na kami! May squad na ko yey!

Nag-tricycle lang kami papuntang ABS-CBN tapos pinatambay kami sa waiting area. May naabutan pa kaming mga nago-Audition for Hashtags waha!

Nakakatuwa lang yung mga kasama ko.. Di ko sila kilala pero since nasa iisa kaming fandom instant superfriends na kami lahat! May nadagdag pa ngang isa.. Yung katabi ko na mag-isa lang pumunta at nagkataong Dara fan din. Pito na kami yey! Kulit namin haha.

Natuwa din ako kasi yung isa dun kilala ko yung twitter name nya. Mejo famous sya sa fandom namin kasi active sya sa twitter at nagko-compile sya ng mga fanfics at ginagawa nyang PDF. Grabe ang dedication ni atey! Actually lahat sila.. Parang.. Kung akala ng mga friends ko adik ako kay Dara nako.. Walang wala ako dun sa mga yun. Sila yung tipo na puro Dara ang profile pic sa social media. Pati pangalan kpop related. Kaya nga di ko alam mga fez nila e. Twitter name lang kilala ko hehe. Tapos updated sila sa lahat ng happenings at ang dami nilang alam na chismax. Grabeeee dami ko natuklasan! Ano pa ba gagawin namin sa waiting area, aba siyempre magchikahan! Nakakatuwa lang hehe. Tapos Appler pa sila lahat.. Appler ang tawag sa aming mga fans na naniniwala sa secret love team nina G-Dragon at Sandara Park.

Tapos sila din matagal ng magkakakilala. Pero dahil lang din kay Dara at sa KPOP. Tas nagkakasama lang din sila pag may mga ganitong event.

May libre din namang merienda.. Sandwich at waffle. Maya maya napuno na yung hall.

6PM nagstart nang magpapasok. First time ko lang din sa ABS.. Nadaanan namin yung nagti-taping na kids for Goin Bulilit. Hanggang sa makarating kami sa set. Takot na takot naman ako kasi ayoko nga makita sa camera pero gusto ko malapit kay Dara. Pano yun?! Ang ganda sana nung pwesto namin eh.. Sa unahan talaga. Nasa harap lang si dara! E kaso bungad din sa camera waha. Nakita ko yung mga upuan sa stage sa likod ng judges.. Naisip ko dun na lang ako. Pag kinukuhaan kasi yung mga judge close up lang. Hmm. Pero mejo matagal ko nga palang pinag-isipan yun habang paikot-ikot ako sa stage. Naaksidente muna ako bago nakapagdesisyon ng ganun haha!

Maya maya anjan na si Mr. M kasama si Mr. Floor Director para i-check yung set, yung audience at yung mga camera. Busy na rin yung ibang crew at mga cameramen. Ang saya, parang ang cool ng work nila.

photogrid_1478829681247-01.jpeg
Ayun mga friends ko sa unahan todo cheer kay Dara nyahehe πŸ˜€

Andun dapat ako sa malapit kay Aga.. Kaso maya maya may lumapit na crew samin, yung mga katabi ko pinalilipat sa bandang likod. Tapos pinalipat sa pwesto nila yung mga nasa likod.. Dapat daw kasi sa pwestong yun pumapalakpak yung audience, kasi kita ng camera! Pumapalakpak ako at nagchi-cheer nung kinakausap kami ng floor director, kaya siguro di ako napalayas pero natakot nga ako so sumama ako dun sa mga lumipat sa likod. Napalayo ako tuloy huhu.

730 nagstart na ang show! Hayun.. Okay naman. Di ako kita sa camera kaso mejo malayo kay Dara. Tss.

photogrid_1478830949346.jpg
Wala ako masyadong pictures ng mga boys.. puro ganyan lang πŸ™‚

Ang cute cute ni Dara. Kada break meron kuyang taga-massage na lumalapit sa kanya. Kaso di man lang sya lumilingon samin sa likod, nahihiya naman ako sumigaw haha. Ako lang Dara fan sa likod e. Buti pa sina Yeng, Vice at Aga pa-smile smile samin pag tinatawag ng ibang fans.

A video posted by Mae Brizuela (@mismei) on Nov 6, 2016 at 2:20pm PST

 

Bawal din magpa-picture at magpa-autograph. Hmp. Kaya ko pa naman gusto dun sa stage para may chance maka-selfie kay ati.

Anyway, mabilis naman ang takbo ng show. Naiinis lang ako sa pwesto ko kasi minsan wala akong makita, humaharang yung malaking camera nila tas yung mga atey sa harapan ko mga aligaga at may malaking banner pa kaloka. Di ko naman sya pwedeng pagalitan syempre.. Kaya nga sila nilagay dun kasi ang hyper nila. E ayun yung kelangan sa audience.

photogrid_1478830073936.jpg
Ganda ng view ko hahahaha

After ng show bumalik na kami sa waiting area. Ibang audience naman ang andun.. Mga pang-PBB naman! Eviction night daw pala kasi. Gusto pa nga maki-join nung mga superfriends ko, na okay lang din naman sakin pero sabi ni kuyang crew di na daw pwede edi lumabas na nga kami.

fb_img_1478476888925-01.jpeg

Palaboy lang.. Hanggang makarating sa PBB House at nag-tricycle na ulit pabalik ng McDo. Kumain lang kami at nagsi-uwian na. Buti nga at may kasabay akong pa-Fairview. Katakot lang sa FX, last trip na tas nasa likod pa kami. Nakauwi naman ako ng matiwasay.

Next saturday sila ulit ang kasama ko. Di ko lang alam kung may sapat na kapal ng mukha ako para pumuwesto sa pwesto nila. Goodluck sakin haha! Basta andun ako. Hanapin nyo ko sa audience :p

Advertisements

One thought on “ABS-CBN Experience with KPOP Superfriends

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s