Kwentong Pusa

Pano mag-move on

Bukod sa picture ko at picture ng big boss ko, may isa pang picture na naka-display sa desk ko sa opisina..

2014 papparrazzi picture ni GD habang nilalandi si Kiko, yung rumored girlfriend nya that time. Asar na asar ako sa babaeng yan dati.. Di ko kasi matanggap na sya ang GF kuno ni GD. Kasi kung hindi ako, dahil di kami pwede kasi nga malayo ako.. Sana kay Dara na lang sya mapunta.
Pero mahal ko talaga si GD, kaya nagseselos ako sa lahat ng babaeng nali-link sa kanya maliban kay Dara. Sobrang sakit nung lumabas yung mga pictures na yan.. Solid evidence ng kalandian nya e. Sakit kaya.

So tanong ng frenny ko, bat daw nakadikit dun yung picture na yun.

Bat nga ba? Ginawa ko pang wallpaper yun dati, naka-collage kasama yung iba pa nilang pictures together. Bakit nga?

Gusto ko kasing lagi silang nakikita. Hanggang sa ma-immune ako sa sakit. Hanggang sa matanggap ko. Hanggang sa di na masakit. Di ko alam sa iba ha, pero ganun nga ako.

Feeling ko effective naman. Kalaunan wala na kong pake haha. Pero mahal ko pa din si GD. At nung tumagal nga, kaka-stalk ko kay ate girl e nagustuhan ko na din sya. Gusto ko sya as an individual at bilang model. Pero hindi bilang GF ni GD. Pero hindi na masakit pag may chismis o pag may nakikita akong pic nilang magkasama.

Acceptance. Ayun lang pala ang sikreto. 

Komplikado lang naman kasi pag niloloko mo ang sarili mo at ayaw mong tanggapin ang katotohanan. Ayan na nga o.. May mahal nang iba. May kasama nang iba. Kalimutan mo na yung mga moment nyo kasi kinalimutan ka na rin naman nya. Wag mo na ipilit yung sarili mo kasi hindi ikaw ang kaligayahan nya. 

Hindi ikaw yung leading lady sa teleseryeng akala mo e pinagbibidahan ng love team nyo. Waley. Ekstra ka lang pala. At di ka kasali sa happy ending nya.

Mabuti rin yung alam mo yung tungkol sa karelasyon nya. Yung relasyon nila. Kaya okay lang mag-stalk.. Maganda nga yung ganun, atlis alam mo ang nangyayari at nakikita mo. Masakit lang sa una pero makakatulong yun para mawala yung ilusyon mo na may pag-asa pa kayo. Masaya na nga sya o, haller! Move on move on din naman. 

Di ko alam sa iba pero ganun ako mag move on hehe. Masokista ang peg.

Advertisements

One thought on “Pano mag-move on

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s