Kwentong Pusa · Mismei Travels

LNT

LEAVE NO TRACE.

Ayun yung Golden Rule pag namumundok, nagbi-beach o may binibisitang lugar pasyalan. Outdoor Ethics.

Una ko yung narinig 6 years ago.. Nung sumama ako sa isang mountaineering group para mamundok. Unang climb ko yun pero ang dami kong natutunan.

LEAVE NO TRACE.

Simple lang naman. Self-explanatory. Aakyat lang kami sa bundok, magka-camp at bababa kinabukasan tapos dapat parang walang nangyari. Namulot pa nga kami ng basura.. Empty bottles ng alak at softdrinks, balat ng candy, upos ng sigarilyo, mga plastic.. Ibinaba namin lahat ng basurang kaya naming ibaba. Yung mga nauna kasing umakyat hindi alam yung “Leave No Trace”. Nakakahiya naman sa bundok.

After ng climb kong yun ilang beses pa akong umakyat ulit. Marami pa akong bundok na napuntahan. Pero naisapuso ko na yung “LEAVE NO TRACE” kahit saan ako mapunta.

Akala ko common sense na lang yun. Common sense naman dapat talaga diba. Kaso ung isang group ko sa facebook may issue sa LNT Principle. May nagpost kasi ng picture ng koleksiyon nya ng buhangin mula sa iba’t ibang beach na napuntahan nya. Akala ko common sense yung sisitahin sya at papaalalahanan ung ibangย members na wag gawin yun. Kaso may halo-halong opinyon. Ganun nga pala sa Internet… Maraming opinyon. Pinakanakakainis yung mga namimilisopo..ย Pano daw ung buhangin sa shorts nila at tsinelas. Pano daw pag nawiwi o nag-poop sa bundok. ANO BA? seryoso kayo, kinokontra nyo ung LNT Principle dahil dun? Nakakaloka.

Pano daw yung mga locals na nagbebenta ng kung anik-anik gamit ang natural resources. Bat daw sa ibang bansa legal magbenta ng souvenirs na gawa sa buhangin nila. Wala akong alam sa pagbebenta nila ng souvenirs kung may permit o kung ano man kaya ayoko mag-comment dun. Pero iba naman siguro yung nagnakaw ka ng buhangin o nanguha ka ng bulaklak o nanghuli ng insekto. Pagnanakaw pa rin yun at paglabag sa LNT.

Di ko gets bat kelangan nila ng ganung souvenir. Hindi ba pwedeng ienjoy mo na lang yung moment mo dun. Tapos umalis ka na parang walang nangyari sa lugar para maenjoy din ng iba?

Nakakainis din yung nagsasabing “KAPIRANGGOT” lang naman daw yung kinuha nila. Wow. Pano kung lahat ng tao ganyan ang mentalidad. Hanggang kelan na lang kaya tatagal ang ganda ni Inang Kalikasan?

Tapos meron pang nagsabi hyprocrites daw yung mga todo sermon ng LNT. Sampung utos nga daw ng Diyos hindi masunod, yung LNT pa kaya? Dude. Ganun talaga ang hugot?ย Ano bang mahirap sa LNT? Hangga’t kayang sundin edi sundin. E napakadali naman.. Bat may ganun pang diskusyon?

Yung feed ko ngayon sa IG at Facebook puro tungkol sa travel. Di ko alam kung dahil yun sa preferences ko o uso lang talaga ngayon ang pagta-travel. Ang daming nag-aalok ng mga tour package. Mga pa-event kung saan-saang bundok at beach. Para bang kahit sino pwede nang umakyat ng bundok. Nakakalungkot lang kasi hindi naman sila natuturuan ng maayos.. Basta makapag-Instagram sila ayos na. Kaya yung mga bundok at “unspoiled” beach ngayon sobrang dumi na. Yung Masasa Beach, yung Pulag.. Hay.. Nakakalungkot. Sana nag-beach resort na lang sila. Yung mga commercialized, ganern. Atlis dun may maglilinis ng kalat nila.

Nakakainis talaga. Hindi naman ako nag-BMC (Basic Mountaineering Course) pero alam ko di pa rin ako excused sa LNT. Di ko maintindihan anong pinaglalaban nila. May mahabang explanation yung LNT pero kahit naman di mo basahin yun, madali namang maunawaan yung purpose nya. Anong mahirap dun!?

photogrid_1480390863634-01.jpeg
Take Nothing but Pictures.
Leave Nothing but Footprints.
Kill Nothing but Time.
Advertisements

11 thoughts on “LNT

    1. PUSH!! Irerekomenda ko yung Metropolitan Mountaineering Society.. Meron po silang Open climb July-December taon taon hehe. Maganda po sumama dun kasi organized sila at maaalagaan ka.. Masaya pa ang socials sa bundok di ka ma-OP. Sa ibang group kasi walang pakialam sa newbies, joiners lang talaga kasi ang hanap nila para makatipid sa pamasahe en everything. Goodluck!! ๐Ÿ™‚

      1. Hindi ba nakakatakot? Paranoid kasi ako hahaha. Inisip ko baka umulan tapos madulas ako tapos di na nila ko makita tapos baka.may mga rebelde mangidnap ganon.LOL. Sorry OA talaga ko magisip. May mga friend din ako na naakyat ng bundok..May FB group ba sila?

        1. Naku! takot na takot din ako nung first climb ko hehe.. Actually kada akyat parang katapusan ko na, baka di na ko makababa ganern! Tapos baka may mala-wrong turn na eksena hehe. Pero pag marurunong naman yung kasama mo okay lang.. sila na bahala sayo. basta exercise ka lang bago umakyat, sobrang ibang experience lalo na pag nag-camp ka sa taas at natulog sa tent. meron silang FB page, search mo lang po Metropolitan Mountaineering Society ๐Ÿ™‚

  1. This is what happens when you give irresponsible idiots the means to travel. ‘Yung mga taong mema lang. Mema-post, mema-FB, mema-sabing naka-travel sila.

    Napakadali naman talagang sundin ‘yung Leave No Trace. Leave it exactly the same way when you arrived. I don’t get why people had to trash it or take something away from it, however small. Or maybe I just winge a lot, heheh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s