buhay estudyante · Kwentong Pusa

Abort! Abort!

Yung feeling ko nung college na ayoko na mag-aral.. tapos parang di ko kaya. parang imposibleng maka-graduate. eto sya.. bumabalik na naman!!! grabe. ano ba kasi tong pinasok ko. BAT MAY RESEARCH!? BAT MAY THESIS?! BAKET!? Sabi nung opismate naming naka-graduate na dun wala naman daw thesis.. choice daw namin yun. sabay ngayon biglang meron daw. compulsory. seriously!?

Nag-MPA lang ako for promotions. for fun. para lang may magawa sa buhay. nakikigaya. at marami pang rason. pero wala sa rason ko yung gusto ko mag-thesis or gusto ko matuto. sorry wala talaga.. sa edad kong to wala na kong interes sa mga ganung bagay.

First meeting namin nung sunday. next meeting daw January 8. Tapos by that time daw, magsa-submit na kami ng Introduction.. saka.. ano pa nga ba un. basta. tatlong part yun. bale 3000 words. 3000 WORDS?! pano?? ni wala akong ideya kung pano gumawa ng research paper. anong topic. pano magsulat. pano format? ano?!

grabe nakaka-stress. ni hindi ko alam kung pano magsisimula! pano!? kelangan ba related sa work? sa gobyerno? pano?

May inexample si Sir nun. bakit daw mas maraming magagandang estudyante sa Ateneo kesa PUP. inexplain nya kung anong variables nya en everything. ni hindi ko alam kung ano yung variable. tapos may nabanggit syang genetic pool.. Miss Universe bilang sukatan ng ganda, etc. mejo na-gets ko yung “research” nya. pero di ko pa rin alam kung pano gagawa ng research ko.

So ganun lang yun? pano kung ang research ko e tungkol sa hairstyle ng mga babaeng Government employees. habang tumatanda paiksi ng paiksi ang hair nila. ano nga bang tawag dun.. bob cut? pixie? ganern. ayun yung napansin ko sa mga ahjumma sa gobyerno e! kaming mga bagets long hair pa. may rebond rebond pa or digiperm na nalalaman. tapos ung mga nasa 40’s shoulder length. ung mga 50 pataas gupit lalaki na! e anong significance nun. anong related literatures dun haha. pinagtawanan lang din ako ni Ana.

So pano.. tungkol sa vouchers? sa retirement claims? feeling ko dun ako makakakuha ng magandang topic. tungkol sa benefits ng mga retiradong pulis? kaso pano. di ko alam kung pano yun gagawing thesis. hayy.

sumabay pa sa pasko. sakit sa ulo. tsk.

Advertisements

One thought on “Abort! Abort!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s