Kwentong Pusa · PAG-IBIG

Lifeline

lifeline

Habang kumakain ako ng tanghalian isang araw sa opisina.

Habang ka-chat ko yung mga callcenter beshies ko.

Habang nanunuod ng How I Met Your Mother.

Habang nakaupo ako sa gilid ng pier at inaabangan ang mga padaong na barko.

Habang nakatambay ako sa kalsada sa takot na sasabog ung bahay namin anytime dahil sa grounded na ilaw.

Habang naglalakad kami ni buds papuntang kabilang opisina.

Habang kumakain ng adobong pusit kasama si Len.

Eto yung iilang pagkakataong naalala ko na naluha ako nitong mga nagdaang araw… Naluha lang. Hindi iyak. Hindi hagulgol. Luha lang.

Nasasaktan ako.. Hindi ko ide-deny, nasasaktan ako. Hindi ko rin ipagkakailang sobrang hindi ako okay.

Mahigit 15 years na ang lumipas simula nung unang beses na sinabi ni Kyo na mahal nya ako. Kahit dati pa super sincere na sya. Ilang beses na rin nyang pinatunayang mahal nya ako, ako lang at walang iba. Yung unconditional love na tinatawag? totoo yun at naramdaman ko yun sa kanya.

Hindi sya perpekto. Nung nasa 10th year na kami may naganap pang “pambababae” pero may dahilan yun at alam kong kasalanan ko din. pero dahil totoo ang love na nararamdaman nya sakin naibalik nya yung tiwala ko sa kanya.. Naging okay kami ulit.

Buong buhay ko naniwala akong anjan lang sya lagi. Maemae forever yun eh. Kahit hiwalay na kami, kahit literal na mag-isa lang ako.. Never ko na-feel na “alone” ako kasi alam kong anjan sya. Kahit di kami nag-uusap o di nagkikita.. alam ko anjan sya. Kahit awayin ako ng buong mundo wala akong pake. kasi alam ko may isang taong nagmamahal saken… SI KYO. anjan lang sya. mahal nya ko kahit anong mangyari. ako lang. walang iba. kahit ilang beses kong sabihing ayoko sa kanya. paulit ulit nyang pipiliing mahalin ako. Di ako takot mag-isa kasi alam ko anjan sya.

Pero ngayon.. wala. wala na sya.

Nag-start nung mga unang week ng December. biglang hindi sya nagpaparamdam. Deadma naman ako.. tapos yung luma nyang facebook account biglang napalitan ng profile pic. hindi na nya ginagamit yun mahigit 1 year na pero ngayon biglang tinanggal nya yung picture namin. deadma pa rin ako. hanggang sa tumagal ng ilang araw hindi na talaga sya nagtetext.. walang tawag. walang kahit ano. kung hindi ko lang kailangan yung bag ko hindi ko rin sya hahanapin e. pero ayun lang yung huling usap namin.

Tapos nung Christmas holiday break.. nasa Iloilo ako traveling alone. Biglang yung mga facebook posts nya kakaiba na.. May mga tungkol sa pagiging single at kung anu-ano pa. WOW? sa 15 years naming on and off ngayon lang nya in-acknowledge na SINGLE sya. na BREAK na kami. Dati pag nagbi-break kami ako lang yung ma-emote sa social media. pero ngayon… sa kanya pa nanggagaling yung mga ganung bagay. pinapangalandakan na nyang break na kami. tanggap na nyang break na kami? wow.

Okay lang naman dapat sakin. ayun ung pangarap kong break up e. dati kasi ayaw nya ko pakawalan. ang dami naming drama. meron pa ngang mga blackmail at pananakot na nagaganap dati. hanggang sa quiet na lang sya. hanggang sa heto biglang tanggap na nya. kada break up namin nag-iiba yung pagtanggap nya. ang galing.. nasa gantong level na sya ngayon. hindi na sya yung weakling na sobrang bulag sa pag-ibig gaya ng dati.

SObrang bago sakin to. Yung “masaya” sya? Na break kami? Sakin lang nanggagaling ang happiness nya e. Bat sya masaya ngayon e di naman kami nagkabalikan?

Hanggang sa ilang araw pa ang lumipas, may “i love you” na tapos pangalan ng babae.. ACA? mahal daw nya si ACA. Sobrang naniniwala ako sa pag-ibig nya sakin kaya in denial pa rin ako nun. naisip ko nga baka ako si ACA. mahilig yun magbinyag ng pangalan sakin eh. tatlong FB status pa na puro may ACA.. hanggang sa may nag-comment na babae. bat daw pinost yung nickname nya, pasaway daw si Kyo. WOW. May totoong ACA. At hindi ako si ACA.

Tiningnan ko yung profile ni ACA.. todo like si Kyo sa pics ni Aca. nice. Ni hindi un mahilig mag-facebook pero ngayon marunong na sya mag-like.

Hindi naman nya girlfriend si ACA. Pero kita ko lang sa facebook ni ate girl.. sya ung tipo na pa-famous. hindi sa bitter ako ha? pero may mga ganun sa FB.. tipong puro boys ang nagko-comment tapos sasabihin lang maganda sya or what tapos magre-reply naman sya ng pa-cute. mga ganun lang. At ang latest pa nga nyang post e yung pic ng tattoo nya sa pwet. uhm. TRAMP STAMP. yep. BUTTERFLY! di ulit sa jina-judge ko sya ha.. pero please naman. butterfly sa lower back? hayy. tapos may caption pang “MAS MASAKIT ANG MAGPA-TATTOO KESA IWAN NG MAHAL MO” edi meow. sakit sa bangs.

Hindi (pa) sya girlfriend ni Kyo. Isa lang si Kyo sa mga nambi-breezy sa kanya kasi breezy girl sya. So, normal lang?

Hindi yun normal para kay KYO. wala syang gusto kundi ako lang. hindi sya ganun… kahit kanino. so yung mga ginagawa ni Kyo ngayon, sobrang bago yun saken.. at nasasaktan akong makita syang ganun. Di ko naisip na capable sya magkagusto sa iba.

Parang.. sya lang meron ako. tapos ngayon naka move on na sya. kahit seryoso man o hindi yung pambi-breezy nya kay ACA.. big deal sakin yun. pinapangalandakan nya ngayon sa mga friends nya sa facebook na sobrang tapos na kami at wala na ako sa buhay nya. tapos may bago na syang gusto kuno. Hindi sya un.. hindi sya ganun.. o baka mali ako ulit. baka nga nagbago na sya.

Nasasaktan ako kasi wala na sya. Kasi finally natanggap na nyang wala na kami. At wala nang chance na magkabalikan kami. Ni hindi ko sya maitext nung stranded ako sa Caticlan. Nung sumabog ung ilaw namin kagabi. Wala na kong maasahan.. Ngayon ko lang na-feel yung ganto na parang super alone ako.

Pero kelangan ko tiisin.. kasi wala naman kaming patutunguhan. karapatan nya mag move on kaya ibibigay ko na sa kanya to.. kelangan ko ngayon maka move on sa pagmu move on nya. ang hirap mag-isa…

Selfish daw ako. Kasi bat ako nalulungkot e di ko naman sya mahal at ayokong makipagbalikan.. ewan ko. siguro nga selfish ako. nalulungkot ako kasi iba yung ayaw ko sa kanya sa ayaw nya sakin. masakit pala.. ngayon ko lang din na-realize..  kung nasasaktan ako ng ganto, mas grabe siguro yung nararamdaman nya dati sa tuwing tinataboy ko sya.

Ayos na din.. okay lang sakin masaktan ako ng ganto. tutal para naman kay Kyo. He’s worth my luha. And he deserves to be happy. sana makakita sya ng taong magmamahal sa kanya. yung kayang suklian yung sobra sobrang pagmamahal nya.

Deactivated din ngayon yung FB ko. Pinipigilan ko yung sarili kong i-stalk sya. Please, Mae.. tama na. Hiatus muna ko sa social media.

Kanina ko pa tina-try tapusin tong kwentong to pero nasa opisina ako at naluluha ako.. nakakahiya. gusto ko lang ikwento. wala akong mapagkwentuhan.

 

Advertisements

5 thoughts on “Lifeline

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s