Kwentong Pusa

31st

Huling araw ng taon at andito ako sa Starmall namin. Tambay sa Starbucks.. naka-bestida, nag-effort mag-BB cream at contact lens. Ganto din ako kahapon.. todo dress up tas manunuod sana ng sine kaso natakot ako.. nagpaayos na lang ako ng buhok.

Di ko rin alam anong trip ko ngayon. Samantalang maghapon akong kinukulit ni Lolit at ng tita ko na pumunta sa Las Pinas para dun mag-celebrate ng New Year. Tinatamad akong magbyahe baka trapik.. Saka gusto ko talaga sa bahay lang ako mamaya pag nagputukan, para kasama ko sina Butchoy. 

Saka.. inaantay ko si Kyo. Kahapon ko pa inaantay na hanapin nya ko. o baka bigla syang sumulpot sa starmall o kaya katukin ako sa bahay. nakatulog na nga din akong naka-dress. Inaantay ko lang din ulit ngayon ang tawag nya. New Year.. hindi man lang ba nya ko babatiin? Nakaupo ako malapit sa entrance ng Starmall. Baka maisipan nilang bumili ng cake o akung ano man. 

Hindi nya pa din ako hinahanap.. siguro nga nakalimutan na nya ko. todo landian pa din sila ni Aca sa facebook. wala naman akong magawa.

Pero ang totoo hindi ko rin alam kung pano ko sya tatanggapin kung sakaling maisipan nyang bumalik o kamustahin man lang ako. parang hindi ko na sya gusto.. hindi ko sya kayang patawarin. di ko pa rin matanggap na nagagawa nyang makipaglandian sa iba. wala na yung kaisa-isang bagay na gusto ko sa kanya. pano ko sya matatanggap ulit?

kaso nalulungkot talaga ko.. hanggang kelan ba ko ganto?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s