Kwentong Pusa

Alone-ness

Sobrang nadi-depress na ko.

Nag-travel ako alone and I felt alone hindi dahil sa wala akong kasama kundi dahil sa mag-isa na lang ako. Huwaaat?! Nalulungkot ako wala na si Kyo. 

Lagi naman talaga akong mag-isa. Kahit nga sa bahay wala akong kasama pero di naman ganto yung pakiramdam. Hrrgh.

And actually nung nasa Boracay kami ni Alyssa nung pasko, tinuruan nya ko mag-Tinder. Naaliw naman ako.. Nakakakilig pa nga pag may nakaka-match ako e. Tapos kahit pano may nakakausap…. Yung iba gusto pa makipag-meet pero siyempre takot ako.

Ang weird lang… Sobrang hirap ako makipag-usap. Ang awkward! Siguro kase nasa dating app ako? And knowing na “romance” at hindi friendship ang hanap ng mga tao dun e naiilang ako. 

Ang hirap! Ganto na ba makipagligawan ngayon talaga?! Naabutan ko pa yung nagsusulatan sa stationery eh??! Tapos yung guy na may crush sayo mejo nahihiya pa, hihingi pa ng tulong sa friends nya para maiabot yung sulat sayo. Tapos sasabihin nya agad sayo na may crush nga sya sayo.. At alam mo at ng buong bayan na ikaw lang ang crush nya. Ikaw lang ang nililigawan nya. Wala ring kaso kung tumagal ang ligawan. Tapos todo i love you sya at tatanungin ka kung may pag-asa ba sya. Ganung ligawan ang naabutan ko… yung bilang babae eh alam ko agad yung intensiyon ni boylet at alam kong gusto nya ako. Nasa akin ang desisyon kung tatanggapin ko ba sya bilang lalaki o bilang kaibigan. minsan nga kahit bastedin mo na anjan pa din sya eh. 

Pero ngayon?! waley. Pag maganda ka o sexy matataypan ka ng guy. Chat-chat lang tapos lalabas kayo.. Hindi ka pa rin sure kung gusto ka na nga talaga ni boylet. masyado silang takot umamin. o baka kasi marami silang dine-date ng sabay sabay at ayaw mag-commit. kaya ang daming relationship ngayon na “parang kayo pero hinde” o kaya naman basta landian lang. yung mga lalaki nilalandi ka lang kasi nakikipaglandian ka din, hindi dahil sa gusto ka talaga nila.

Sobrang nahihirapan ako ngayon.. kasi di ako marunong makipag-date. Di ako sanay nung mage-effort ako para magustuhan din ako ng lalaki. Ang weird din nung makikipagkita ako sa taong sa chat ko lang nakilala. Ano gagawin namin?! ano dapat hitsura ko?? natatakot ako baka di nya ko magustuhan. anong klaseng relationship ba ang binubuo namin.. pano kung magkaiba kami ng gusto. pano kung wala akong makasundo?! 

Gusto ko lang naman may makasama.. may kakwentuhan. uhm. di pala ko mahilig makipag-usap. baka yung matetext ko lang ng “takot..” pag may kumakaluskos sa labas ng bahay. tas tatawagan ko sya pag sisilip ako sa bintana.. tas nakabukas lang yung linya. di ako magsasalita.. pag nakumpirma kong safe naman pala papatayin ko na yung linya at matutulog na ko.

 pagod na ko mag-isa… o baka di pa lang ako sanay mag-isa?
Ang hirap.. bat ganto?! 
I’ll die alone.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s