Kwentong Pusa

The Fridge Theory

Buong maghapon din pala e nanunuod lang ako ng koreanovela.. Goblin! Huling episode na napanuod ko e yung tungkol sa teenager na pumanaw at humingi ng favor sa bidang babae… nakakakita kasi sya ng mga kaluluwa. so ayon.. nakiusap yung kaluluwa kung pwede daw bang lagyan nya ng laman yung ref nya sa kwarto. kasi pag naayos na yung funeral nya siguradong dadalaw ung mom nya sa room nya at kailangan daw may laman yung ref nya…

Na-realize ko… yung mga taong super care sayo may pake sa laman ng ref mo. May dalawang taong laging sumisilip sa ref namin… minsan lang naman sila nadalaw sa bahay pero sa tuwing napapasyal sila, yung ref ko ang una nilang sinisilip…

Una, si pay danny.. ung nakababatang kapatid ng tatay ko. bata pa lang ako nang maulila sa ama kaya sya na yung tumayong parang tatay ko. Papa Danny pa nga ang tawag ko sa kanya nun. Lagi nyang sinisilip yung laman ng ref ko pati freezer sa tuwing napapadpad sya sa bahay. pag walang laman ung ref ko nahihiya ako tapos magsasabing “di pa po ako nakapamalengke eh” pero pag may laman parang nakaka-proud. atlis alam nya na kahit mag-isa lang ako sa bahay e super okay naman ako at marami akong pagkain.

Pangalawa, si KYO. pumupunta lang sya pag pinapapunta ko.. halimbawa may sirang faucet o may tagas yung gasul. o may namatay akong alaga na kelangang ipalibing. pag nagbabaha sa bahay at di ko alam kung pano lilinisin. o kaya pag may hinihiram ako sa kanya and vice versa. lagi din nyang sinisilip ang ref ko. Siguro gusto nya lang din malaman kung may food ba ako o kung kumakain ako.

Huling beses na pumunta si kyo sa bahay mga two weeks ago nung hinatid nya ung cage ni mama cat. sinilip nya din yung ref ko nun tas inalok ko pa sya kung gusto nyang kumain.. pinagmamalaki kong may lechon manok ako, isang buo! bale nung time na yun e 2 days ko na syang inuulam.. nagsasaing lang ako ng bigas na napanalunan ko nung Xmas party. di ako masyadong kumakain pag nasa bahay pero since masarap yung kanin ko e napapasaing ako. 

Nung sumabog yung ilaw ko sa kwarto nung isang gabi sila lang din ang naisip ko. tinry ko kontakin si pay danny kaso nakauwi na pala sa Bicol. Si kyo naman… wala. sobrang gusto ko na sya tawagan kaso pinigilan ko sarili ko. buti mabait kapitbahay namin, nakakontak ng electrician.. pasalamat daw kami at hindi nagkasunog.. delikado daw pala yung ganun. hay.

Wala na ba talaga si kyo. hindi na ba nya ako naiisip ngayon. kung anong handa ko for new year’s eve o kung may handa ba ako?

kung tatawagan nya ko ngayon sasabihin kong nasa Starbucks ako. pupunta kaya sya o aayain man lang akong magsimba gaya dati?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s