Kwentong Pusa · PAG-IBIG

Womanology 101

Girl: Malapit na birthday ko! gusto kong gift ung nakakakilig ha?

Boy: O sige, regaluhan kita ng vibrator!

Amp.

Dahil hardcore ako at hindi pa-sweet type na girl (read: Punkista) akala ko dati hindi nga ako normal na babae. hindi selosa. hindi cheesy. hindi malambing. hindi pa-cute. hindi madaling kiligin. walang pakiramdam. walang emosyon. manhid. pala-kebs. pa-astig effect. PARANG LALAKE. Ganun naman kasi ako most of the time.. lalo na dati!

Pero ngayon.. hindi rin pala. minsan nahuhuli ko yung sarili ko na parang normal na babae. sweet konte. cheesy. malambing. pa-cute. kinikillig sa mga simpleng bagay. nagi-emote. at higit sa lahat.. MAHIRAP INTINDIHIN. moody. fickle-minded. PARANG NORMAL NA BABAE. shet! nakakainis pero ganun na nga ako minsan. so ayun nga, natuklasan kong babae nga pala ako talaga. ayoko rin nga ng ganung ugali pero wala eh.. ganun ata talaga ang mga babae. at ganun din ata talaga ang mga lalake.

Pero paano nga kaya kung merong subject sa school na “WOMANOLOGY” hmm. para turuan kayo ng tamang paraan ng pambababae. este, kung pano intindihin ang mga babae. Womanology — study of women.

Siyempre para lang to sa mga boys. maganda sigurong ituro to sa mga high school students bandang 1st year. tapos ung mga makakapasa lang ang pwedeng manligaw at magka-girlfriend. At dahil masyadong kumplikado ang subject, meron dapat Womanology 1, 2, 3 and 4. Mula 1st year hanggang 4th year! Bale, sa kolehiyo pa lang pala pwede magka-girlfriend. At yun ay kung maipapasa mo ung subject na WOMANOLOGY.

Kung alam lang ng mga lalaki kung pano takbo ng utak ng mga babae di wala sana masyadong mag-aaway na magjowa. Walang praning na girlfriend kasi alam na alam ni boyfriend kung pano “pakakalmahin” ung praning na utak ni girlfriend. Walang selosang girlfriend kasi alam na alam ni boyfriend kung pano ka bobolahin. Madami sana masayang girlfriend. At pag masaya si girlfriend malamang masaya kayo parehas! waha. wala lang.

Eto nga pala ang inspirasyon ko sa blog post na to. nakita ko lang sa status sa FB ng isang friendly friend πŸ™‚

in d context of a relationship…

‘BAHALA KA’

does nt mean ‘do as u please.’

…it means..

.you know wat i want, you cn either do wat mkes me hapi or choose 2 disappoint me.

kung alam yan ng lalake edi sana hindi sya magtataka na ang babae ay nagagalit ng “walang dahilan” hehe. di ko lang alam kasi kung bakit di kayang sabihin ng babae ng diretsahan. parang lagi “namin” inaasahan na nababasa ng mga lalake ung iniisip namin at meron silang pagkukusa. eh hindi naman lahat ng guys may talent sa ganyan.

a25a5c01a7f0eb565e38379285bfed58

maenoodlesoup archives | February 2011

Advertisements

One thought on “Womanology 101

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s