buhay estudyante · Kwentong Pusa

Summer School!

Makalipas ang ilang buwang pananahimik heto na ulit ako, nagbabalik. woohoo!!

Sobrang nakakainis talaga yung mga nakaraang pangyayari pero feeling ko okay na ko ngayon.

Hindi naman sa masikreto akong tao.. pero may mga bagay kasi na hindi ako komportableng ilabas sa ibang tao. alam mo yun? pero kelangan kong ilabas kasi kung hindi e para akong mababaliw. o baka.. basta. nasanay na kong ganto e. nagsusulat. nagkukwento. nagda-diary. kinakausap ang sarili. Kanya kanyang trip lang naman yan.

Kung nababasa mo to at kilala mo ko sa personal please lang wag mo ipapaalam sakin na nakarating ka dito. Ampangit sa pakiramdam. Saka wag mo na din sana ipagkalat. Secret na lang natin. okay. salamat sa pang-unawa.

So.. ano na ngang ganap???

NAKO. WINDANG!!!!

Di ko nga alam anong naisipan ko bat ako nag-enroll for summer class. BAKET!? HRRRGH. Ang alam ko e desidido na kong ititigil na ang kalokohan ko sa MPA. Ni hindi nga ko gumawa ng RESEARCH. Pero heto, nag-summer ako. sabi kasi nila madali lang daw, chill lang daw. tamad daw ang mga prof kasi summer.. tas tatlong sessions lang sya. ngayon naman sumasakit ang ulo ko sa dami ng assignment, report at mga kelangang aralin!

Sobrang kabado ako last week kasi dalawang report ang ginawa ko.. tungkol sa GOvernment Accounting at Local Government Unit. Ni wala akong alam tungkol sa mga yun tas irereport ko? Ang hirap kaya! Tapos ung isang subject kelangan ko din magbasa para sa discussion daw. Tungkol sa South China Sea, UNCLOS at Benham Rise. “Benham Rise? Sino yun?” tanong ko sa isip ko. Dun ko lang narinig sa klase yung tungkol dun haha.

Lalo ko din na-realize na hindi ako para sa gantong kurso. Hindi ako para dito!! Hindi ako bagay dito!! Ang gusto kasi nila e magkaron ako ng PAKE sa mga bagay na wala akong PAKE. Politika? Administrasyon? United Nations?
Relasyon ng PInas sa ibang bansa? Away ng US at North Korea? Alamat ng Gobyerno? Kalagayan at future ng Pilipinas? PAKE KO JAN sa mga yan? Ni hindi nga ako nanunuod ng balita.

Tapos nakakatawa kasi parang feeling ko ako lang yung ganto. Yung mga classmates ko matatalino tapos mga matured sila at parang mga tunay na mamamayang Pilipino. Very opinionated at mahuhusay magsalita. Ibang level sila.. hindi pang-college lang. Parang pang-masteral talaga ang vibe nila. Minsan iniisip ko sana kagaya nila ako.

Marami naman akong time mag-aral. Walang work sa office e, ganda pa ng internet connection ko. Basa basa lang.. copy paste pang-submit ng homework. Nagagalit na nga ako sa North Korea kakabasa ko tungkol sa mga issues nila e.

Kaya ko pa naman.. Effort lang talaga kasi feeling ko kelangan ko maging ibang tao para dito. hindi ako to!!! kakaloka. Imbes ang chill ng buhay ko e noh? Amp.

Pero last sem ko na to pramis.

Advertisements

One thought on “Summer School!

  1. Naku kaya mo ‘yan! Hayaan mo na ‘yung mga mahuhusay, minsan okay lang naman maging “sakto lang” haha. Good luck sa ‘yo! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s