Kwentong Pusa

Sketchy

Ang laki ng problema ko.

Magta-travel ako abroad pero ayoko ipaalam sa opisina.

E para makakuha ng Visa, kelangan ko ng Certificate of Employment.

Pag kukuha ng CoE, kelangan naman ilagay ung purpose.

So pano?

Meron akong ITR. Siguro pwede na yun, ano?

O baka madiskartehan ko ung CoE. Bahala na si batman.

Pag halimbawa nakakuha na ako ng Visa (woohoo!!) problema ko naman sa Immigration.

Di ko idedeclare yung totoo kong trabaho kasi nga bawal. Di naman nila kakausapin ung pinagkuhaan ko ng Visa noh?! Di nila malalaman na nagpasa ako ng CoE at ITR. Di nila malalaman yung totoo kong trabaho.

So, naisikreto ko na sa Immigration yung totoo kong trabaho.

ANO NAMAN AKO NGAYON!?

Businesswoman? Estudyante?

Businesswoman na nagmamasteral? Ano yun?

Ano business ko!?

Online shop? Meron akong IG business account na may 1.5k followers. Pwede na ba yun.

Meron din akong tindahan sa Hallo Hallo Mall, SHopee, at Carousell. Sapat na ba yun?

Wala naman ako masyadong customers ngaun haha.

Wala akong business permit.

So pano!? San galing pera ko!?

Babaeng single, 32 years old, unemployed, living with mom na wala ring trabaho. MPA Student. Online seller. Maganda at sexy. Walang boyfriend. Walang asawa’t anak.

Papayagan ba nila kong umalis ng bansa!?

Naalala ko yung Bangkok trip ko nung 2015. 1 hour ata ako nun sa Immigration todo interview din sila. Wala kasing tatak ang passport ko nun. Tapos sinikreto ko din yung trabaho ko.. businesswoman ang peg. Pahirapan pero nakalusot naman. Pati travel history ng tita ko na ka-meet ko sa Bangkok inimbestigahan nila. Pati instagram account ko na tindahan tiningnan nila. Tapos may show money din syempre. Buti na lang may patagong pera sakin yung tita ko nun.

Hayys.

PANO?! Nakaka-depress naman.

Hindi ba sapat yung mukha lang ako mayaman?! Rich kid ako e. kaya ko magtravel kahit wala kong trabaho nyahaha. amp.

Advertisements

5 thoughts on “Sketchy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s