Kwentong Pusa · Mismei Events · Mismei Travels

Okada Manila

Tuwang tuwa ako kahapon, nakarating ako sa Okada Manila!! Di ko rin alam na may nage-exist palang ganung place haha. May kinita lang ako sa SM MoA, kumain kami sa Greenwich tas inaya na ako dun.

Sa tapat ng Pet Express ang abangan ng shuttle for Okada Manila. Super amazing, ang ganda ng shuttle tas libre pa! LIBRE!!!! Saglit lang din ang byahe mga 10-15 minutes ata yun.

DSC_1557

4PM kami nakarating sa Okada. E 6pm pa pala yung fountain show kaya naglibot libot lang muna kami. Pambihira napagod lang naman ako haha, sana nag-Casino na lang ako. Pero ang ganda nga ng interior. Sosyalin!

PhotoGrid_1496194969853

Buti na lang nung araw na yun, 5:30 daw ang start ng show atlis konting oras na lang kami maga-antay. Dun na lang kami tumambay sa Chatime.. Parang ayoko pa nga tumambay dun kasi naisip ko baka mahal ang milk tea. Parang sa Enchanted Kingdom, mahal lahat! ganern. Pero hinde.. same price lang. Nag-milk tea nga ako. Kaso wala yung paborito kong squid balls ng Chatime.

Super excited ako habang nagaabang mag-start yung show, buti nga rin at tumila yung ulan. Lumabas na kami dun sa parang viewing deck.

First time ko makakita ng dancing fountain show! Kaya tuwang tuwa ako nyahaha! Mas maganda sana kung gabi.. ang ganda siguro ng kulay!

May kasama din kaming taga-Dubai. I mean, nagwo-work sa Dubai.. Sabi nya may fountain show din daw sa Dubai pero mas maganda tong nasa Okada. Wow? Talaga ba!? Galing! haha.

 

Mga 5 songs din ata yun tas umalis na kami. Libreng shuttle service ulit pabalik ng MoA.

Gusto ko bumalik dun!!! Tas gabi naman para mas kita yung kulay 🙂

Screenshot_20170530-234313-01
Ang saya ng bata ^_^
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s