Kwentong Pusa · Mismei Events · Mismei Travels

Chill

Feeling ko sobrang chill ko na ngayon hehe. Di ako masyadong gumala kahit summer. Unlike last year at nung nakaraan pang mga taon. Kada may long weekend aligaga ako maghanap ng pupuntahan! Tas parang allergic ako sa bahay pag walang pasok. kelangan laging nasa galaan. Kahit mall lang, foodtrip or sine basta makagala lang. kung sino sino lang din inaaya ko at todo sama din ako kahit sinong mag-aya. Kahit nga weekdays gumagala ako sa gabi basta may nag-aya.

Ngayon… Waley. sobrang chill lang. Ang daming lumipas na long weekend pero chill lang ako. Ang dami din laging nag-aaya sakin manuod ng sine o lumabas pero lagi ko sila natatanggihan. ewan ko.. Pati mga kamag-anak ko hindi ko kinita eh. Nakikita ko lang sa facebook kung saan-saan na sila nakarating.

Kaisa-isa at huli kong summer escapade nung April.. Team Building sa Office e. Pero sooooobrang tamad ko rin nun! Nasa hotel lang ako maghapon. Gabi yung program.. dinner tas may kung anu-anong pa-contest at raffle. May inuman pero di ako uminom. Tas kinaumagahan nag-swimming sila at nag-Kayak. Merong pool at beach pero di ako na-excite. ewan ko.. tambay lang talaga ko sa room! ang weird haha. Samantalang dati para akong bata na super excited pag nakakakita ng pool.

PhotoGrid_1496217019569

PhotoGrid_1496216766098-01
Kamana Sanctuary Resort and Spa

Wala lang. Siguro nagsawa din ako sa kakagala at sa tubig. dami ko napuntahan last year eh. Although maganda yung place.

Saka natutuwa din ako.. may nakita ko sa diary ko nung december lang din.

IMG_20170601_091417
drama queen lol

Yan ata yung binalita ung christmas break namin tas na-pressure ako kasi wala akong plano sa pasko waha. Natakot ako sa thought na mahaba ung bakasyon tas pasko at mag-isa lang ako sa bahay. ganern. Kaya feeling ko kelangan ko gumala. I ended up traveling alone. sa Iloilo tas Boracay. Masaya din naman hehe.

Pero ngayon.. waley. gusto ko na lang mag-stay. natutuwa ako sa sarili ko hihi. Ganto pala yung feeling. Yung kuntento ka na. Regardless kung asan ka. Kahit nasa bahay lang basta kasama mo yung taong gusto mo. yiki!

Ang kagandahang dulot e sobrang laki ng natitipid ko. Di na ko gumagastos!!! Nakaipon pa nga ako ng pang-show money para sa balak kong international travel. Ang downside naman e ni hindi na rin ako nakakapagpagupit ng buhok, facial, wax, at manicure/ pedicure. Meron pala isang beses..

Nakakatuwa sa Bang’s Tony and Jackey, nagpa-keratin lang naman ako at haircut tas kinulot pa ako after hihi. Ganun din naman last time. Kaso ampangit na ng buhok ko ngaun.. di na talaga kaya ng treatment. Lakas maka-dry ng de kolor na buhok. tsk.

PhotoGrid_1496279519243-01
Bang’s Tony and Jackey SM Fairview

Ayan din naman ung nanuod ako ng block screening para sa One Step ni Sandara. Sinulit ko yung labas ko e, nagpaayos ako ng buhok at nagpa-picture para sa Visa. Ang weird din kasi di ako masaya sa block screening.. After ng movie umuwi na din ako agad. Na-realize ko nun.. Ampangit pala lumakad mag-isa. Never na ko gagala mag-isa ulit waha ang clingy ko.

Pero tuwang tuwa ako sa freebies from Daragon Hideout hihi πŸ™‚

 

Chill. πŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s