Kwentong Pusa

Happy Birthday!!! 

Ayon.. lumipas ang birthday ko ng ganun ganun na lang haha.

Namasyal sa Okada Manila.

Nag-Buffet 101 sa Magnolia.. kasama superfriends sa office.

McDo breakfast treat para sa mga ka-service na ahjumma.

Tas dinner sa Gilligan’s kagabi kasama ang family.

Makaraos lang talaga.

Masaya naman.. siyempre masaya kumain! After sa Gilligan’s kagabi tumambay pa kami kila Pay Danny. Nagpabili naman ako ng ice cream. nakadalawang cup ako grabeee!!

Wala naman ako natanggap na gift masyado ngayon. Isa nga lang e. Si lolit lang nag-gift! tuwang tuwa ako sa payong at super shooookt ako sa Jacket! todo embroidered pa ng name ko haha, sosyal! Yayamanin na si lolit!

PhotoGrid_1496369470385

May cake din pala ako from bossing sa office, tuwang tuwa din ako.. bagong uso pala yun samin. may cake na lagi mga birthday celebrants hihi.

Tas walang gift sakin si kyo. di rin nya ko binati. Bat nga naman, e break na kami haha! siguro nasanay lang ako. tuwing birthday ko for 16 years lagi sya may gift e kahit ano lang.

kaya siguro allergic din ako ngayon sa kahit anong espesyal galing sa boylet. ayun yung sinabi ko kay tinder boy nung binigyan nya ko ng flowers at cake nung valentine’s. sabi ko ayoko ng ganun. wag na nya ulitin.. ayokong masanay sa mga bagay na pwedeng wala naman. pano kasi kung yun ung maging basehan ko ng “pagmamahal” nya sakin. tas hindi pala sya consistent. pano kung masanay akong binibigyan nya ng flowers tas biglang isang araw di na nya ko bigyan ng flowers.. mage-emote lang ako. wala din syang birthday gift sakin pero okay lang haha. pero sa loob loob ko.. “grabe sya!! birthday ko e!” iba naman yung birthday, syempre special yun. mas special sa valentine’s. pero okay nga lang. ginusto ko to e. haha. tsk.

Isa lang naman gusto kong gift para sa birthday ko.. yung VISA!!!! nakapag-apply na kami huhu.. nung mismong araw pa ng birthday ko. naga-antay na lang kami ngayon ng text mula sa agency. intense!!!!

 

Advertisements

6 thoughts on “Happy Birthday!!! 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s