Kwentong Pusa

goodbye haggardness

Ang saya saya!! Last day na namin sa school huhu, sa wakas nakaraos din! Sobrang iginapang ko yung apat na sessions na yun kalokaaa!! 

Global Trends

Tuwang tuwa pa naman ako nung first session namin, kasi walang reporting! Yun pala puro exam kami kada pasok hahahaha. Essay pa! Tas tungkol sa current events or global issues like nuclear war between US and North Korea, mga pauso ni President Duterte, Issue sa South China Sea at kung anu ano pa. 

Istrikto din yung prof namin dito. Binabasa nya talaga yung papers namin. Todo comment pa sya at pati margins pinapansin. Mahalaga daw sa kanya yung content at kagandahan ng sulat kamay lol.

Huling exam namin kanina buti tatlong questions lang. Ang kagandahan naman e pwede kami gumamit ng phone pag nage-exam. Super necessity ang load pang-internet! Super thanks kay pareng google kahit pano may naisasagot ako!

inconsistent din kasi ung nabasa ko kay pareng google hahaha.

Accounting

Nosebleeeeed!! Pinag-debit-credit kami! Basic accounting lang naman kaso hirap ako magfocus at mag-analyze. Nahirapan talaga ako dito. Tapos naka-dalawang sessions lang kami, makabisado ko ba yun?! Bawal kodigo yung exam namin kanina kakaloka. May definition of terms, enumeration, essay at problem solving. Hala. High school lang?! 

Pero nandugas ako syempre. May nagpaalam kasi kung pwede gumamit ng phone para mag calculator. Pumayag naman sya basta wag daw titingin sa notes. E may picture ako ng notes ko sa phone nyahaha. Ang talino ko buti naisip ko yun. Tas may PDF din ako nung module namin. Tas nasa likuran ako nakapwesto, hindi halatang nangongodigo. Perfect! Kung wala yung phone ko wala ko maisasagot talaga tas malilito ako sa debit credit. Thank you technology!!!

Buti din at madali lang yung topic ko for reporting, wala pa kong 10mins nagreport kahapon hehe. Nairaos ko ang Accounting woohoo!!

oo ganyan talaga normal kong sulat. minsan kahit ako di ko na din maintindihan.

Local Government

Ninerbiyos ako dito kasi yung prof namin naging prof ko na last year at di kagandahan ang experience ko sa kanya. Although kasalanan ko naman kasi sablay talaga yung report ko at pasaway ako gumawa ng assignment. 

Kung tutuusin e isa sya sa mga di masyadong demanding na prof.  Kelangan mo lang mahuli yung kiliti nya pagdating sa reporting. Di maganda yung report ko ngayon pero atlis hindi nalait yung boses ko at pronounciation. Di rin nalait yung presentation ko kasi walang projector, wala akong powerpoint nyahaha! Swerte lang. Tas may handouts ako.. na-touch ko din yung mga gusto nyang subject hehe. Swerte lang.Yung sumunod na mga sessions tagapakinig na lang ako. Chill! Nagpapa-assignment din sya pero madali lang naman, basta anjan si pareng google.

Ngayong last meeting namin kumain pa kami ng pizza, munting farewell party lang. Di na sya nagpa-exam. Ganun lang naman sya, chika chika lang. Mabait din naman yun at madami din ako natutunan sa kanya. Tas super okay sya ngayon, di sya masyadong harsh. feeling ko kase nagustuhan nya yung klase namin.. nakakatuwa yung mga classmates ko e binobola bola lang sya. basta. gusto ko din yung klaseng yun, mababait classmates ko at very supportive kami sa isa’t isa. 

Ngayon.. ewan ko. Ayoko na (muna) mag-aral. Sobrang na-stress ako dito sa sem na to. Masyadong nabugbog ang brain cells ko! Pero ang totoo nyan maswerte pa naman ako ng lagay na yun. Mas nakaka-stress yung nasa kabilang section, every meeting may hardcore na reporting at assignmentssss. Madaming assignmentsss! Tas may hardcore na exams. Super windang si ana e haha.

Gusto ko na lumipat ngayon ng school. Kung saan walang thesis sana! At walang mga hardcore at super striktong mga prof. Di na kaya ng utak ko pless!! Ayoko na!!

Sa ngayon iko-congratulate ko na lang muna ang sarili ko. naka-9 units ako yey!!! wala akong dinrop na subject ngayong sem nyahaha!! napakahusay ko. im so proud of myself lol. 

May isa pa kong kwento, yung tungkol sa birthday wish ko pero bukas na lang! pahinga muna ko. ciao! 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s