Kwentong Pusa

Moshi moshi? Ano neh!? 

Tuesday, May 30

Lunchbreak. Nagpunta kaming Reli Tours sa Megamall para mag-submit ng requirements for Japan Visa Application. Apat kami pero busy yung isa kaya hindi sya nakasama. 

Eto yung mga naipasa ko:

  • Birth Certificate (bagong issue)
  • ITR 
  • Itinerary 
  • Application form and 2×2 picture (Sila na daw magdidikit e para maayos. maganda pic ko dun, thank you Great Image!) 
  • Passport
  • Bank Certification

Hindi required pero pinasa ko na din:

  • Certificate of Employment (yes, nakakuha ako haha!)
  • Roundtrip ticket
  • Airbnb booking confirmation 

Dalawa yung Bank cert ko, isa sa BDO (94k) at isa sa PSSLAI (46k). Sabi kasi nila safe daw na show money atleast 100k. Pinag-ipunan ko talaga yan ng bongga. Pero yung isang kasama ko 65k lang daw. kasi yung friend nya naapprove naman daw 50k lang nasa bank cert. 

Isang itinerary at Airbnb booking confirmation lang ang kinuha samin, tutal magkakasama naman daw kami. Parang iaapply nila kami as a group, ganern. habol na lang din yung isa pa naming kasama. 

Mabilis lang kami sa Reli.. mga 30mins siguro tas bumalik na ng ofis. Ang sabi e 7-10 working days daw bago makuha ang passport, magtetext na lang daw sila pag ready na for pick up. 

Nakaalis na kami sa Reli nang maalala ko yung luma kong passport.. hindi man lang hiningi! sabi sa mga nabasa kong blogs may plus factor daw kung may tatak na yung passport mo. E bagong renew nga ako, malinis yun. buti yung mga kasama ko may Singapore-Malaysia nung January. Super kabado talaga ako.. nainis ako sa reli kasi parang hindi sila helpful. kung ano lang yung requirements ayun lang yung gusto nila kunin parang ininsist ko nga lang yung CoE ko.  

Kasi syempre alam nila yung process, ilang application na yung nakita nila at nakita rin nila kung sino yung na deny at na approve. feeling ko kahit pano may makikita na silang trend.. ano ba yung magbigay sila ng konting tips. lagi lang nila sinasabi depende daw sa consul. depende pa rin daw sa embassy.  kahit nung magtanong ako kung maganda ba mag tourist or magpa-guarantor wala silang maayos na sagot. puro depende. oo nga depende pero sana iexplain nila kung bakit depende. nakuha ko yung gusto kong explanation sa Reli MoA. buti pa yung attendant dun maayos mag-explain. 

Basta highblood ako sa Reli sa Megamall. ilang beses din kasi kami pabalik balik dun. may isa pa kasi kaming kasama na maga-apply for visa. problema naman nya wala syang ITR. tapos yung na-book nyang ticket e for almost a month ang stay sa japan! balak nya kasi nun mag-stay daw sa tita nya. so andami nyang problema. 

1. Usually 15 day na single entry lang ang binibigay for first timers. pano sya magrerequest ng 30 days? 

2. Wala syang ITR. kelangan nya magpa-guarantor, lalo at matagal yung stay nya sa Japan.

3. Yung tita pala nya eh super distant relative na. sabi dun sa requirements for “visiting relatives” up to 2nd degree lang ang kino-consider nilang “relative”. pag 3rd degree o higit pa, dun na sila sa “visiting friends or distant relative”. 

4. Dito ako pinaka na-high blood sa Reli ng Mega. same lang daw requirements ng relative at distant relative. kelangan pa rin daw ang birth cert ng lahat ng nakakonek sa family tree kung pano sila naging magkamag-anak. e super distant na nga! mula lolo ng nanay at lolo ng tita na ang involved, mga walong birth certificate ang kelangan nyang i-produce. samantalang sabi dun sa friends or distant relatives, proof of relationship lang ang kelangan, either chat or picture together. kahit sa flyer nila walang nakalagay na kelangan ng birth certificates lahat ng nasa family tree pag distant relative. At sabi pa ni Reli Mega, kelangan pa rin ung tax cert at income cert ni guarantor kahit sya naman ang magso-shoulder ng expenses nya. eh para san pa yung mga “IF” nila?! aysus. ewan! 

requirements for friends or distant relatives

Naiinis ako kasi feeling ko tama ako, nakakaintindi naman ako ng English! Ngayon kung sinasabi nyang mali yung intindi ko edi iexplain nya ng maayos. yung mapapaniwala nya ako. open minded naman ako haha. imbey! 
5. Biglang uuwi din pala yung tita nya ng Pinas at ang galing pa ng timing. Andito pa si tita sa Pinas sa araw ng flight nya. e hindi nga pwede kasi magpapa-guarantor sya.. Mahaharang sya sa immigration. so kelangan nya pa magpa-rebook ng flight. 

At dahil highblood na ko sa Reli ng megamall, dinayo namin yung nasa MoA! So, mejo marami kaming concerns. At nabigyan naman kami ng maaayos na options. 

1. Apply sya for Tourist Visa. mag-attach na lang ng letter of explanation kung bat wala syang ITR.. acceptable na dahilan yung may online business sya or buy and sell lang kaya walang tax. o di kaya bagong establish pa lang yung business nya kunwari. wala daw sya magiging problema kasi may pera din naman sya sa bank. At kung 15 days lang ang ibigay sa kanya.. pwede naman daw magpa-extend pag andun na sya. ang mahalaga e mabigyan sya ng visa para makalipad ng Japan. 

2. Magpa-guarantor kay tita pero wag sya i-declare as tita. pwede daw sabihing friends lang sila. kung ganun, di na kelangan yung birth cert ng mga kanuno-nunuan nila. wag lang daw ma-detect ng embassy na magkamag-anak sila. pero usually daw, hindi naman yun nakikita pag naga-apply pa lang. maiimbestigahan lang daw yun pag nag-over stay ka sa Japan. Sabi kasi ni Reli Mega, ligwak daw agad pag may kamag-anak ka sa Japan tas di mo dineclare. ngek. ung isang kasama ko may pinsang buo sa Japan e deadma lang. 

3. Magpa-invite kay tita as friend pero di sya guarantor. tutal nga may sarili naman syang pera. that way, mas konting documents ang kelangan mula kay tita. wala na yung income cert ni tita at kung anu ano pa. 

Mas okay nga sana kung tourist na lang, mas mabilis pa at mas mura. Php2,000 ang bayad pag may guarantor e. samantalang Php950 lang pag tourist, mas mabilis pa. ayun din yung hindi masagot ni Reli Mega, tinanong ko sila kung ano mas risky ni wala silang opinyon amp. Yung nasa MoA sabi nya pwede naman daw tourist. mas mabilis pa daw ang process, mabusisi kasi yung may guarantor. 

So ayun.. iniisip pa din namin. at inaatay ang sagot ni tita. bahala na sila. tsk. 

Anyway, tatlong araw makalipas naming mag-apply for visa, nakatanggap kami ng text mula sa Reli.

Grabe!! tuesday kami nagpasa. friday palang may resulta na!? super kabado kami!!! ine-expect namin mabilis na kung meron na next week eh. pero ung 3 days? waaaa!!! Parang di naman pinag-isipan! Either super approved kami or super denied. tipong hilatsa pa lang ng pagmumukha hindi na kaapprove-approve! hala! willing to wait naman kami.. sana pag-isipan namang mabuti diba haha.

Nagpunta kaming Megamall ni frenny nung saturday. Ayun. MAY VISA NA KAMI!!!! WOOHOO!!!!

Masaya naman ako talaga. Gusto ko lang mag-rant haha. Sa mga maga-apply for Japan Visa, wag kayo sa Reli Mega!!!

Hmmm.. Thank you po sa super awesome na birthday gift. kitakits sa TOKYO!!!!!! ^________________^

Advertisements

7 thoughts on “Moshi moshi? Ano neh!? 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s