Kwentong Pusa

Rakets

Natatawa ako sa sarili ko.. Parang andami kong raket ngayon hehe! Ang sipag sipag ko!!! Natatawa na lang din sakin mga opismates ko pag inaalok ko sila ng kung anu-ano. Sinasabi ko lang nag-iipon kasi ako ng pang-caesarian. Mahirap kaya umere!

Naisip ko lang ilista mga raket ko:

1. Human Nature

Super fan ako ng Human Nature kahit dati pa.. favorite ko yung Conditioner nila at mga body scrubs, saka yung toner and moisturizers. Mahilig din ako talaga sa mga organic products. Kaya naman tuwang tuwa ako nung nagpa-member ako nung February! Matagal ko nang pangarap yun e haha! Ang hirap kaya maghanap ng Human Nature Products sa mall.. Tapos wala rin ako kakilalang dealer sa work ko ngayon.

Bale, nagbebenta na ako ngayon ng Human Nature Products! Ilang montsh pa lang ako dun pero marami na akong suki. Kung magpapa-member kayo sabihin nyo ako ang nag-refer ha. Miss Mae, Advocate# 135405 πŸ˜€

PhotoGrid_1496817051291
Dati pumupunta ako sa mismong store para magshopping ng mga orders, tas naisip ko pwede naman pala ipa-deliver na lang sa office! Free shipping pa nakaka-mahigit 2k naman ako kada order πŸ™‚

2. RTW Branded Overruns

Matagal ko naman nang business to. Nasa Sykes pa lang ako e nagbebenta na ko ng mga T-shirt at T-back! Malaki na rin ang kinita ko dito nung active pa yung Online shop ko sa Hallo Hallo Mall. Malakas din ang benta sa office kaso ang hirap maningil kasi puro utang.. Di pa naman ako mahilig maningil! tsk. Buti pa dati sa Sykes masisipag magbayad ng utang yung mga katrabaho ko.

Sa Bangladesh nga pala galing yung mga paninda ko. Andun yung factory ng Forever 21, Terranova, GAP, Levi’s, HM, Nike, Aeropostale, Pull and Bear at kung anu-ano pang sikat na brand. Yung F21 sa SM Fairview made in China at meron din Made in Vietnam. Yung paninda ko Made in Bangladesh. ganern. Andun kasi yung tita ko.. Quality Controller sya dun. Nakapunta na rin ako sa mga factory nung minsang nagbakasyon ako sa Bangladesh.

received_1264781393571059

3. Nature Republic and Tony Moly

Mahilig kasi ako mamili ng beauty products at kung anu-ano pa.. Tas minsan may sale so kahit di ko kelangan napapadami ang shopping ko. Pero dahil di ko naman nga nagagamit, binebenta ko na lang ulit! Favorite ko sa Tony Moly yung eye stick at sa Nature Republic naman yung Aloe Vera gel at face masks. Gusto ko din yung face masks sa The Face Shop.

PhotoGrid_1496817339832
10% lang naman kita ko dito. discount card lang gamit ko e haha. swerte pag may sale πŸ˜€

4. Photo Paper at Sticker Paper

May nakita kasi akong wholesaler! Sinamantala ko na lang para mapagkakitaan. Maraming uri ng photo paper at sticker paper kaso ayoko malito at ayoko ng maraming options so isang klase lang ang binebenta ko, yung magandang klase naman. take it or leave it ang peg. Ayoko na ioffer yung iba’t ibang variant, tutal puro pang-personal na gamit lang naman yung mga binebentahan ko.

IMG_20170527_225303_033
iTech Glossy Photo paper A4 230gsm

5. T-Shirt Printing etc.

Eto yung inaantay kong malaki-laking project.. Kumukuha na ko ng order ngayon kahit paisa-isa pero ang totoo nagpapa-print pa lang din ako. Wala pa kaming machine eh. Saka na kami bibili pagkabalik galing Japan. Seryoso kami dito ah.. Umaattend pa ko ng seminars and trainings tungkol sa Printing Business. Yung partner ko nag-aral pa ng silkscreen, ang mahal kaya ng bayad dun.. Php2000 yung one day session. May potential client na din ako abroad. So feeling ko magiging malaki talaga to. Sana πŸ™‚

received_120300002804418103.png

Yung etc. pang-mug souvenirs, tarpaulin, caps, payong at kung anu-ano pa. Pero saka na yun. Gusto muna namin mag-focus sa T-Shirt Printing.

6. Credit Card Application

Naga-ahente na nga rin pala ako sa Credit Card haha! Meron akong isang pad ng application form.. Pinamigay ko sa office, sa sampung nabigyan ko isa pa lang ung bumabalik πŸ˜€

7. Royale Health and Beauty

Mabenta saken ung Gluta at Kojic soap. Maganda rin yung lotion nila at mga food supplements. “networking” nga pala ito. Mas kikita ako kung meron akong mga downlines pero di naman ako mahilig sa ganun.. kaya wala akong downline. Gusto ko lang magbenta saka pang-personal na gamit.

8. Avon

Actually kay mama to pero sinasabay ko na din sa pagse-sales talk. Balak ko na rin dati magpa-member kasi lagi naman wala si mama. So.. baka pag may time na lang ako. Or baka nga wag na, kawawa naman si lolit kinompetensya ko pa.

Uhm.. ayun lang. Tas gumagawa din ako ng ice candy paminsan minsan. At nakikipost din sa online shop ko minsan yung mga superfriends ko pag may gusto sila ibenta.

Yung mga tindahan ko naman.. Kung san san lang ako nag-sign up! Di ko naman na ma-update lahat, naging busy kasi ako sa school at sa pag-aayos ng itinerary para sa kung anu-anong trip. Naging hobby ko na nga rin pala ang paggawa ng itinerary. Minsan may lumalapit na lang sakin bigla para magpagawa ng itinerary. Hinihikayat na rin nila akong magtayo daw ng Travel Agency tutal mahilig ako mag-organize ng kung anu-anong galaan. Parang masyado namang malaki yun.. di ko pa kaya mag-manage ng ganun.

Eto nga pala yung mga tindahan ko:

INSTAGRAM
https://www.instagram.com/hellomissvivi/

HELLO, MISS VIVI!
http://mall.hallohallo.com/hello-miss-vivi

VIP ONLINE SHOP
http://mall.hallohallo.com/vip

CAROUSELL
https://carousell.com/hellomissvivi/

SHOPEE
https://shopee.ph/hellomissvivi

OLX
https://www.olx.ph/ads/user/2446300

Wala naman akong benta! Nyahaha!!! Buti dati meron ewan ko ngayon bat wala nang pumapansin sa tindahan ko. Pero okay lang naman.. atlis anjan lang sya, wala naman akong upa at libre ang internet ko.

Marami pa naman akong pending na ipopost. Ewan ko ba.. matrabaho kasi. Sana pag sinipag ako.

Feeling ko magho-hoard lang ako sa Japan ng beauty products. Homaygad!!! Super excited na kooooo!!!

Bili na kayo! Para sa additional 10% discount gamitin ang Discount code na MISMEIGANDA ^_^

0-02-06-9835f44d259e47506f0799fa38da03c576a7fc750138ffecd0fb4437f8ee915e_full

Advertisements

One thought on “Rakets

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s