Kwentong Pusa

Mission Almost Impossible

Naikwento ko na yung tungkol sa frenny kong maraming problema sa pagkuha ng Japan Visa. One week na lang, scheduled flight na niya for Tokyo ni hindi pa sya nakaka-apply ng Visa. Ottokae!?

Hanggang sa huling sandali umaasa pa din sya sa tita nya na willing maging guarantor nya. Kaso nga negative din naman makakuha ng 30-day visa lalo at super malayong magkamag-anak na pala sila. So ang suggestion ko at ng iba pang nakausap namin, mag-apply na lang sya for Tourist Visa, tutal naman daw e may pera sya. Willing din naman ako tulungan sya mag-ayos ng papers, kaya nung sinabi nya na magtu-tourist na lang sya.. kinarir ko na ang pagpaplano para makakuha sya ng Visa.

So eto ang sitwasyon:

1. May Roundtrip tickets sya for June 19 – July 13 (25 Days!)
2. Wala syang work. Therefore, walang ITR.
3. Meron syang business pero hindi nakapangalan sa kanya.
4. May pera sya sa bank almost 200k.
5. May 8 days kami para mag-apply for Visa.
6. First time nya magta-travel abroad.

Ayokong masyadong nag-iisip pero pinag-isipan ko to ng husto. Bale ang suggestion ko… I-declare nyang travel dates eh July 5 to 13. Tas kunwari ipapa-rebook nya ung Manila – Tokyo ng Manila – Osaka. That way, hindi naman mukhang nginangarag ung embassy sa visa. June 11 ka magsa-submit ng requirements tapos June 19 ang flight mo? edi wow! Kahit alam nating within 3 days e makukuha mo na yung passport mo e syempre mahiya naman tayo diba.. I-assume mo pa rin yung standard turn around time na 7-10 working days.

Ginawan ko sya ng Daily Schedule from July 5 to 13. Kunwari solo traveler sya na magtu-tour sa Osaka, Kyoto at Tokyo. Ni-reserve ko din sya ng accommodations kada destination. Masabi lang na may matutuluyan sya at pinag-isipan ang budget ng kada destination.

Gumawa din ako ng Explanation letter kung bat wala syang ITR.. Sabi ko lang buy and sell business kasi sya ngaun at di nagfa-file ng ITR. Pero inaassure ko pa din sila na kaya nyang tustusan yung tour nya.

In-explain ko din yung tungkol sa 25-day na stay sa Tokyo base sa rountrip tickets nya. Mas madaling sabihing nagkamali kami ng pagbu-book kaso naisip ko mukang tanga un so binago ko.. Parang mas maganda kung kunwari honest ka. Edi sinabi ko na lang sa sulat, balak ko talaga mag-tour for 25 days kaso nung nagri-research na ko about Japan and Visa Application natuklasan kong karaniwan e 15-day visa lang ang binibigay sa mga first timers. Ayoko naman makipagsapalaran at baka mapurnada pa ang tour ko, kaya magsi-stick na lang ako sa 10-day trip ko for now. At mas okay pa kasi siguradong hindi ako masu-short sa budget.

In-attach ko din yung roundtrip ticket nya para sa next trip nya. Wala lang.. para lang dagdag proof na babalik sya ng Pinas after ng Japan Trip. kasi may iba pa syang trip pagkatapos nun.

Ganun lang. Sunday, June 11, nagpasa na kami ng application sa Reli Tours sa MoA. Sabi pa Holiday kinabukasan kaya sa 13 pa nila maipapasa yung application sa Embassy. 13! E 19 yung hinahabol naming flight haha.

Pero kagaya ng inaasahan, mabilis lang talaga ang proseso. July 15 pa lang tinext na sya ng Reli.. Ready na daw for pick up yung passport pero secret kung approved or hinde. INTENSE!!

Ayaw nya pahalatang excited kaya the next day na lang nya kinuha. Ayon.. APPROVED! WOOHOO!!!! Flylalu na sya in 3 days!!!

Nag-book na kami ng ticket pauwi, July 3 hehe. Sinagad yung 15-day visa! Ang mahal ng tickets.. inabot ng 9k with 25kg baggage allowance. Samantalang yung roundtrip tickets nya 7k lang haha! No choice eh.. di rin kasi namin alam nun na 15-days lang ang tourist visa at sobrang swertihan yung may 30-days.

Kinansel na rin namin yung mga hotel reservations… Sa booking.com lang naman yun, free cancellation! Di naman nya kasi kelangan ng hotel, dun lang sya titira sa tita nya.

Ang saya-saya.. Nasa Japan na sya ngayon! Tas susunod na rin ako konting araw na lang πŸ™‚ kung di nya agad nakuha yung visa nya hindi sana kami magkasama sa Japan, magiging June 29 – July 13 yung travel dates nya hehe. buti na lang. Hay grabe, excited na ko!!!!

Advertisements

One thought on “Mission Almost Impossible

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s