Kwentong Pusa

Tokyo 101

May isang linggo na rin pala simula nung nakauwi ako from my Japan Trip, ang dami kong napuntahan in 4 days pero super bitin pa rin! Di ko talaga alam kung pano magmu-move on at ni hindi ko alam kung pano sisimulan ang pagkukwento haha.

Tips na lang siguro muna:

1. Magpalit ng PHP to JPY sa SANRY’s! Sinuyod namin lahat ng bank at money changer mula QC hanggang Taft.. Sa Sanry’s lang may pinakamagandang deal.

2. Mas maiging i-book online yung mga attractions na gusto nyong puntahan. Pero advisable lang sya kung super planado na yung tour nyo kasi fixed sched yun at hindi pwede irebook. Kagaya sa amin, Php 2645 lang namin nakuha sa Klook yung voucher sa Robot Restaurant. Nung andun na kami ang nakalagay na Entrance Fee JPY 8,000. Laki ng natipid namin. Pero ang pangit naman e di kami makapagbago ng plano.. naka-schedule na nga kasi sya. Imbes na mago-overnight sana kami sa Saitama. Pero okay na din, masaya naman kami.

3. Maglaan ng MAHAAAAAABANG oras para sa byahe. hindi dahil matagal ang byahe kundi dahil matagal kayo magpapaikot-ikot sa train station! kung 1 hr yung byahe papunta sa destination nyo, maglaan ng 5 hours para sa oras ng pagkaligaw — SERYOSO!!!

4. Mag-avail ng PASMO or SUICA card para magamit sa byahe at pagsa-shopping. Mas mabilis sya, no need to make pila and make bilang of barya pambili ng train tix and mas mura ng konte ang pamasahe.

5. May mga shops na tax-free pag naka-worth JPY 5,000 ka. Ugaliing magtanong sa staff.

6. Wag maingay sa tren, magpatuyo ng buhok pag lalabas ng bahay. stay sa left side pag maglalakad sa kalye o pag nasa escalator.

7. Nakakabobo din umorder ng pagkain dun, gayahin nyo na lang yung ibang nasa pila.

8. Kapit sa Hyperdia para sa schedule ng byahe ng tren at google maps para di maligaw.

Maraming salamat kat Ante An at Beye sa pag-tour samin sa first two days namin! Pano na lang kami kung wala sila. hay..

Bukas magkukwento ako tungkol sa trip ko πŸ™‚

Day 1 – Asakusa Temple, Asakusa Tyangge, Matcha Shop, Sumida River, Tokyo Skytree, Ramen Bae

Day 2 – Odaiba, Madam Tussauds Wax Museum, Takoyaki Party, Harajuku, Meiji Shrine, Takeshita Dori, Purakura Experience, Okonomiyaki, Shibuya Photo op, Akihabara Shopping

Day 3 – Disney Sea, Tokyo One Piece Tower

Day 4 – Yokohama-Shin Ramen Museum, Shinjuku Shopping, Robot Restaurant Experience

Advertisements

6 thoughts on “Tokyo 101

    1. mejo judgemental kasi sila dun haha, isipin e galing kaming motmot :’D sinabihan ako nung friend ko bago pa ko pumunta don. tas nung may nameet Kami ulit na pinay dun ganun ulit ang sinabi. so feeling ko seryoso nga sila haha

      1. Ah talaga? Medyo judgemental nga yun. Basa lang buhok, motmot agad? Heheh.. Bakit, uso din ba short time dun? πŸ˜€ Matanong nga din yan pag may guest uli kami na japanese sa office.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s