anime · Kwentong Pusa · Mismei Travels

Tokyo Loots

Sa sobrang busy ko e kagabi nga lang din pala ako nagkalkal ng maleta ko. Puro pagkain na lang din naman andun hehe. At since wala masyadong may alam sa recent gala ko e di ako required bumili ng kung anu-anong pasalubong. Puro sakin lang napamili ko nyahaha!! Pinagtitikman ko lahat ng nabili kong food pambihira. Tawang tawa ako dun sa chichiryang di maintindihan ang lasa!!!!! Di ko na nga sigurado ngayon kung pagkain nga ba talaga yun e. Kaya naisip ko na lang pichuran sila at lagyan ng kiyemeng review. Wala lang. Yung iba naipamigay ko na kila mother e sayang di sila nakasali sa review waha. Basta yung lemon masarap! πŸ˜€

PhotoGrid_1499826376937-01

Masarap yung KITKAT!!! LAHAT NG FLAVOR GUSTO KO!!!! Mga JPY300 ata yan. Masarap din yung fruits and Granola.. nilalagay ata yan sa gatas o yogurt. Basta MASARAP!!! Mura lang din wala pang JPY 500. Yung Meiji bars JPY 100, sulit na rin pampasalubong. Bigay lang sakin ni Bibi yung ibang Meiji kaya di ko lam kung magkano hihi. Yung Royce Chocolate Bar naman JPY 720 sa Airport! Papabilhin ka pa ng yelo worth JPY 100 kasi matutunaw daw sya in two hours. Di ako bumili ng yelo , keri lang naman πŸ˜€ Tapos natuklasan ko meron pala sa SM North.. O Megamall ba yun? basta. PHP 320 yung ganung chocolate, parehas lang din. Pero yung chocolate potato chip parang mas mura ata sa Narita. Limot ko na. Basta.

 

PhotoGrid_1499826829648-01

 

Tuwang tuwa ako sa DAISO!!! JPY 108 lang lahat tas tax-free din ata pag naka-JPY 5000. Limot ko na sorry waha! ANg kukyut pa ng paninda dun.. sulit din pang-pasalubong! Favorite ko yung Shuriken na ref magnet. pag dinikit ko sya sa CPU or ref parang nakatusok yung shuriken hehe. Astig!

Yung Tokyo Tower Ref Magnets isang set din JPY 700. Bale 100 isa. Gustung gusto ko din yung JAPAN mug ko.. ang cute!!! JPY 1000 hehe. Ang laki laki nya at ang ganda ng texture. Sa Akihabara ko naman sya nabili, mura dun mga souvenirs na key chains, nasa JPY 300. Pero DAISO pa din ako πŸ˜€

Siyempre meron din akong CHOPPER souvenirs!!! ^_^

 

PhotoGrid_1499828002064

 

Limang seafood lang binili ko.. wala na ko mapaglagyan e haha, pauwi na kami non. Si bibi meron dalawang box kaso red pala yun.. Mejo di ko bet pero keri naman, dami hipon.

_20170712_102336-01

WAAAAA!!!! SUPER AMAZED ako nung nakita ko to sa Ramen Museum!!!! Basta.. may maliit na candy shop dun. Tuwang tuwa ako e, bumili din si bibi tig-dalawa kami! JPY 250 each.

Di naman ma-gets ng mga kasama ko bat ako amazed dun. Di ako marunong mag-explain so sabi ko na lang ayun kase ung candy nung batang namatay sa anime na napanuod ko. Nakakaiyak kaya un.. Grave of the Fireflies!

IMG_20170711_143752_501-01

WAAAA!!! SUPER AMAZED DIN AKO NUNG NAKITA KO TO! Sa Akihabara din hehe. BUY 2 TAKE 1 at JPY 1000. Bihira ako makakita ng ganyan sa Pinas kaya bumili na din ako. Tas naisip ko, hala ang dami.. ano gagawin ko dito? Ayun, for sale na sya ngaun hehe! PHP290 sya sa greenhills. SO mabenta ko lang yung dalawa bawi na ko, may ReNu pa ko for personal use. Huwaw!

DSC_1968-01

Nung pinasyal kami ni Beye sa Odaiba may nakita kaming tindahan ng mga sinaunang Japanese chichirya and candies. Mala-Bazooka at Pompoms natin hehe. Ayan lang masarap! JPY 35 each.

PhotoGrid_1499826656792

Sabi ko cute kasi mukhang sushi. Pwede na pasalubong tas mukang galing talaga sa Japan. Kaso nung tinikman ko.. amp. Ewan.

PhotoGrid_1499826541420-01

JPY 1000 pa naman. Parang parehas sila nung mukang sushi at bilog bilog na something something. ANo ba to. PAGKAIN BA TO?! Super tigas pa. amp. Ewan ko sa kanila. SAYANG PERA. Sayang 450 pesos!!!

PhotoGrid_1499832861258

GUNDAM GALORE!!! Pambenta lang namin ni bibi waha. Mas mura don pero sana yung mas magagandang model pala ang binili namin. Ayos na din.. atlis sa sunod alam na namin.

Ayun lang. Naghahanap din ako ng Hopiang Monggo ni Doraemon kaso wala kong nakita. Tapos ngayon ko lang din naisip gusto ko pala ng Thousand Sunny Kit!!!! Β WAAAA!!! Bat di ako bumili?! Gusto ko din sana ng damit at shoes kaso mahal pala dun, maliban na lang kung naka-sale. May nagustuhan akong shoes kaso sayang, walang size ko! Si bibi nag-shopping sa HM tas pagdating sa Pinas mas mura pala wahehe. Yung iba halos parehas lang, meron din naman mas mura sa Tokyo.. May nabili syang leather jacket JPY 2500 lang tas wala dito sa pinas. Tig-isa kami hihi. Pag-uwi ng pinas, aba first time nya ko ayain manuod ng sine.. Para daw masuot namin leather jacket wahaha!!

meii

O sya. May gig pa ko mayang gabi. Nuod kayo. Rakenrol!!! \m/

Advertisements

7 thoughts on “Tokyo Loots

    1. waaaa!! sayang sana naipagtanong ko man lang sa mga hapon dun haha. wala din ako makita kahit sa 7-11 e, o baka iba hitsura. excited pa naman ako!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s