binge watching · emote · Kwentong Pusa · Movie trip · PAG-IBIG

Infinity

Di ako fan ng Marvel Movies o kung ano pa mang superhero movies pero kung aayain mo ko manuod ng sine syempre sasama ako.

At kagaya ng ibang nag-super trending na movies, di ko pa din napapanuod yung Infinity War at wala rin naman akong drive. Wala rin kasi nag-aya sakin haha.

Minsan naiisip ko parang gusto ko makiuso.. ganun. tas sinasabi nila maganda daw. E pano ko maiintindihan yun, di ko rin naman napanuod yung ibang Marvel Movies. May nakikita pa nga akong listahan sa facebook, kelangan daw panuorin yung mga yun bago manuod ng Infinity War. Nakita ko yung listahan, sa mahigit sampung pelikula e IRON MAN 1 and 2 lang ang napanuod ko.

Meron din naman akong kopya nung ibang movies, pero nasa external drive ko lang.. di ko pa napapanuod. at siguro nga hindi ako masyadong interesado kahit sinasabi kong gusto ko.

Ilang gabi ko na rin sya tina-try panuorin kaso ang nangyari inulit ko lang yung Iron Man. ngek. after nun, anime na ulit! 5 centimeters per second tas kagabi nung sabi ko manunuod na ko ng Marvel, nakita ko naman yung Kimi no Na Wa. ayun tuloy yung pinanuod ko.

Waley. Napanuod ko na rin naman yung mga yun.. ewan ko ba bat ako paulit ulit. Na-depress na naman tuloy ako sa 5 centimeters per second.

Ano ba kasi yun si kuyang Makoto Shinkai, gusto ko na sya ipa-Jessica Soho. Nawalan ba sya ng childhood sweetheart!? Sana naman magkita na sila at magkaron ng Happy Ending. hayy. Buti nga yung “Your Name” kahit pano may happy ending. Pano na kaya yung mga ginagawa nyang anime ngayong may Facebook na. Siguro naman hindi na gaanong nakaka-depress noh?!

Dapat kasi nagkasama man lang sila. Tas katagalan magkakasawaan din naman o may madidiscover na ugaling ayaw nila sa isa’t isa tas mag-aaway at maghihiwalay.Β  Tapos makaka move on at makakahanap ng bago. Edi wala silang regrets. Walang ine-emote-emote. Ang pinaka nakaka-depress kasi jan yung mga “WHAT IF” eh. kala naman may forever.

Parang yung mga Fairy Tale. Laging kasalan ang ending. Kala nila ayun na talaga yung ending. Di na pinakita yung part na nambabae si prince charming o kaya yung part na natutong mag-tong-its si Cinderella.

O diba ang bitter ko waha.

Meron nga ba talagang ganung love? Pano kung nagkaanak na sa iba. O nakachurva ng iba. Makakalimutan na ba nya yung akala nyang true love nya.

Pero nakakatuwa pa din manuod ng love stories. Nakakainggit yung mga character sa movie na super inlove. Parang minsan winiwish ko sana mainlove din ako ng ganun. O kaya sana may mainlove din sakin ng ganun.. O kaya sana pwedeng both? Kaso wala ako sa movie.

Ay sya. Gusto ko panuorin yung Thor Ragnarok. Sabi nila nakakatawa daw. Dun na lang siguro ako magsisimula, baka mapanuod ko na din yung Infinity War balang araw.

untitled_drawing_by_nanami_yano-d7r191k

 

Advertisements

One thought on “Infinity

  1. Okay lang panoorin yung Infinity War kahit di mo napanood yung ibang Marvel movies, basta may katabi kang taga explain sayo. 😁 Ganun nangyari sakin eh. Mabuti na lang kasama ko kapatid ko nanood, who is a Marvel fan, at sya ang taga paliwanag pag meron akong hindi maintindihan. Heheh..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s