Kwentong Pusa

Rat Race

Maga-apply na ba ko for promotion??

Nakakatamad naman kasi..

2013 ako napasok dito. 2014 ako unang beses na-promote. Simula nun di na ko ulit nag-apply for promotion. Pero yung mga kasabayan ko mga naka-tatlo o apat na beses na sigurong apply sa loob ng tatlong taon. Di rin naman sila na-promote.. sa iba napunta yung promotion.. sa taga-ibang opisina. E pano naman kasi, sa isang item nasa anim o pito silang naglalaban laban. dadagdag pa ba ako?

Alam ko namang di ko makukuha yung promotion, bat pa ko lalaban? aksaya ng oras at panahon mangalap ng papeles. Nenerbiyosin pa ko sa panel interview. para san? para sa wala.

Saka nga pala wala na yung mga original kong documents. Ewan ko ba anyare saken.. diploma ko at TOR. yung Certificate of Eligibility. Yung mga certificate ng seminars and training ko na mangilan-ngilan lang naman. Hayyy.. kelangan pa lahat authenticated.

Pero kung iisipin ko yung career path ko… waley. feeling ko dead end na. Yung iba mas matagal pa sakin pero ka-level ko lang, kalaban ko pa sa promotion. Kung sila nga hindi pa napo-promote, pano pa ko??

Bat nga ba ngayon ko lang na-realize.. wala pala kong patutunguhan dito. Kahit pa may ilang units ako sa Masters parang wala namang silbi.

Ngayon ko lang din na-realize aping api pala ako dito. Di man lang ako sinasama sa mga training at kung anong seminars. Uhm.. meron pala nung January. 32 units din yun na kung tutuusin e di ko naman kelangan.. mas kelangan sya nung mga magpapa-renew ng lisensya. naswertihan ko lang din naman yun, pano lahat sila sa office nakapunta na sa ganun!

So ano na plano ko sa buhay??

Bat kasi di na lang ako nag-Accountancy o BSN? O dapat ata tinuloy ko na lang ung BSHRM ko nun. Bat ba kasi nag-shift pa ko sa BSCS e di rin naman ako magaling sa computer.

O dapat ata nag-stay na lang ako sa call center tutal nakatagal naman na ako ng halos 5 years. Yung mga dati kong ka-team matataas na rin ang posisyon ngayon.. wala na sa kanilang normal na ahenteng frontliner. Siguro ganun na rin ako ngayon kung nag-stay ako dun.

Anong petsa na wala pa rin akong puwang sa mundo.

Bat kasi napakatamad ko?!

Pero kung mag-stay ako dito at di na ma-promote okay pa rin naman. nabubuhay pa naman ako. Feeling ko nga retired na ko e, sobrang chill naman kasi ng buhay ko ngayon. Parang di ako nagwowork. Eto nga mas busy pa ko sa business kesa work kahit nasa opisina ako.

Pero ayon sa puchu-puchu plan ko 2 years ago.. balak ko mag-migrate balang araw. Iniisip ko pa rin naman sya. Kaso.. kaya ko ba??

Try ko siguro mag-apply for promotion kahit isang beses. Para siguro maasikaso ko na din papers ko.. atlis may dahilan ako mag-half day. pupunta akong school saka Civil Service. uhm. sana sipagin!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s