Kwentong Pusa

Ready, Set.. Hmm..

_20180531_091057.JPG

Buti nagkalkal ako ng gamit.. kumpleto pala papers ko hehe. Kahit wala na yung orignal diploma ko, marami naman ako naitabing authenticated copies pati TOR. Nakita ko nga rin pala yung original kong Transcript of Records woohoo!!! Buong akala ko talaga naiwala ko na sya 2years ago nung nag-enroll ako for MPA.

Ngayon ko lang din nalaman meron na pala akong bagong Certificate of Eligibility. Huwaaaw! Nawala ko na din kasi yung original ko nun haha. At base sa hairstyle ko sa pic, 2015 ko nakuha yun. Siguro tinago ko lang ng bongga kasi di ko gusto hitsura ko dun. Pero meron din pala ako kaisa-isang kopya ng Authenticated copy ng luma kong Certificate of Eligibility.. Nakuha ko kay mama! buti naitabi nya.

Kelangan ko pa rin bumalik sa CSC. Kukuha ako ng bagong certificate.. baka gumanda na ako sa pic!

Nakalap ko din yung mga certificates ko ng seminars.. meron akong apat na piraso yey! Tapos yung training ko nung 2015 pa, sa wakas nakuha ko din yung certificate kahapon lang hehe. Meron na kong lima! YEY!!!

Commendation? Meron ako isang piraso! Sa limang taon ko sa serbisyo isa lang talaga meron ako?? Hayyy…

Ang nipis ng folder ko kumpara sa iba pero okay na din, atlis nakumpleto ko.

Pinaka-nahirapan ako sa picture! E syempre gusto ko maganda ako.. Ayun, nakatatlong pa-picture ako sa studio nyahahah!!

Ngayon ang deadline.. Hmmm… Kinakabahan ako. Kelan kaya interview para dito. Makikita ko si bossing crush waaaaa!!!

Para lang akong magsasayang ng oras dun. Pero ano pa nga ba.. atlis tinry ko. Para balang araw pag sure nang sa akin yung promotion e hindi naman nakakahiya sa interview.. isipin nila sa ilang taon ko dito di man lang ako nag-apply for promotion. Samantalang yung iba laging sumasabak sa giyera. O sya. Goodluck sakin! Sana may pakain man lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s