Kwentong Pusa

Herep ne herep ne keee

Absent na naman si Kuya Noel shet!! Kumbaga e sya ung team leader namin dito sa apat na pirasong member ng team namin. di ko na isasama ung isa kasi wala naman syang ambag.

Sobrang masipag si kuya noel.. kaya ramdam na ramdam ko ang bigat sa work pag wala sya. ako gumagawa ng work nya e. computer ko tas computer pa nya. tas tagasagot pa sa phone e ang sakit nga ng dila ko, may singaw! ang hirap!!

Actually gustong gusto ko na din umabsent kanina, sana pala umabsent na lang ako talaga noh? tutal na-late naman ako ng gising at naiwan ng service.

Wala rin naman nangyaring maganda ngaun sa opisina. Kung nasa bahay ako, nakatulog pa sana ako ng bongga at nakatapos ng isang book dun sa freelance job ko.

Nakoooo uuwi pa naman bukas ung boss ko lagot. dalawang books pa di ko naeedit hayys. Sana okay lang sa kanya ung gantong phase ko na sobrang bagal. kung tutuusin kase kung wala akong ibang pinagkakaabalahan matagal ko na dapat tapos ung mga work ko sa kanya. ewan ko ba. nakakaumay din kase.. di ko ata sya kayang gawin ng tuloy tuloy. buti dati nung may video editing pa ako mejo di ako nauumay. siguro kelangan ko na ulit maghanap ng bagong work? hm.. edi lalo akong napuyat! haha.

Ikukwento ko na lang pala kung bat nga ba ako puyat lagi nitong mga nagdaang araw bukod sa part time job ko. uhm.. TULFO!!! adik ako kay TULFO! nyahaha! ewan ko ba.. anyare ba saken?? di naman ako interesado dun dati kasi nga parang nauumay ako sa mga issue, parang ang cheap ganern. mukang tanga lang! tas ngayon adik na ko haha. favorite ko ung mga nakakatawang issue saka nakakatawa din talaga si idol raffy nyahaha. tas ung mga nakaka-touch na story gusto ko din.

Pag weekends naman adik ako sa Idol Philippines. wala.. nataon lang na nasubaybayan ko sila. gusto ko kasi ung nagwowork ako tas may napapakinggan ako sa background, ayon sakto, kantahan. kaso minsan parang gusto ko din silang nakikita.. napapa-stop din ako ng timer tas nanunuod na lang ako parang kay Tulfo lol.

Kelangan ko na mag-focus jeskelerd.. ilang weeks na kong below $100 sa upwork hayy.. pano na ko neto.

Pano ko rin pala ipapa check up ung dila ko haha hindi ba ko pagtatawanan ng doktor? baka sabihan nya kong magmumog lang ng tubig na may asin waha. gusto ko umabsent bukas, baka wala pa din si kuya noel!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s