Kwentong Pusa

Gandang 7k!

Sobrang tagal ko din pinag-isipan kung magpapa-rebond ba ako o hinde. Nakaka-frustrate kasi yung buhok ko, talagang di na sya bumalik sa dati e!

So ayun nga, bumili ako ng voucher sa Metrodeal. Ganto din yung ginamit ko nung huli kong rebond almost 5 years ago. 3k lang sa Bang’s Tony & Jackey!

Muntik pa ma-expire yung voucher ko kasi nga sobrang busy ko. Pero eto na nga, pinush ko na! Super excited ako kasi feeling ko gaganda na ko ulit. naalala ko yung nagpa-rebond ako dati, ang simple ng buhay ko, super hassle free! ligo lang sa umaga tas walang suklay suklay gora na agad! amazing!

At syempre nung andun na ko, ayan na sila! yung todo panungumbinsi na magpa-treatment ako ng hair. di daw kasi kasama sa voucher ung treatment. e ung dati kong rebond wala din namang treatment so nagmamatigas akong ayoko ng kahit anong add-on services. kaso ung hairstylist na koreano, makulit! saka para daw gumanda ang hair ko at wag daw ma-dry. basta. sa madaling salita, napapayag nya ako. additional Php 2275 for treatment! oo na lang! sige na! HUWAW! 3k sa rebond voucher plus 2k plus for treatment. yayamanin si ateng!

[RANT]
Mandatory pala yung treatment eh, di sana di sila nagbenta nung worth 3k na rebond voucher na tila ba optional lang yung treatment. para ka na lang kasing hinoholdap pagdating mo sa salon! wala daw silbi yung rebond kung di magti-treatment kasi super magda-dry daw ang hair at papangit yung rebond! wala palang silbi edi tinodo nyo na sana 7k worth na rebond with treatment tas choice na namin kung gusto namin yon o hinde. diba!Β 
[RANT TO BE CONTINUED LATER]

Mga 3 hours din ata yun tumagal. okay naman sya.. na-straight yung hair ko syempre at super lambot. ang cute cute ko. napansin ko lang mejo maiksi ung pagkaka-layer sa harap tas mejo nakatikwas sya. pero keri lang, naisip ko baka umokey sya pag niliguan ko na. kaya nga ako nagpa-rebond para straight sya kahit ano mangyari diba.

Kinaumagahan.. syempre di ako naligo. pero parang mas tumikwas pa yung buhok ko. siguro kasi masyadong mataas ung pagkakalayer tas nasa balikat ko sya. e mahirap naman talaga pag shoulder length.. pero rebond nga diba?? so dapat straight pa din sya! tas ung iba kong friends sa office na rebonded ang hair at shoulder length din gaya sakin hindi naman tumitikwas. so naisip ko, baka nga ma-straight pa sya pag niliguan ko na.

hanggang sa ilang araw ang lumipas at naligo na ko. ganun pa din sya. tikwas nga! everyday akong nagpaplantsa ng dulo ng buhok para wag sya tumikwas ng bongga. nakakairita.. para akong hindi nagpa-rebond. ganto lang din ung buhok ko nung di pa ko na-rebond. anyare??

Mas maganda pa nga un dati kong hair kasi kahit dry yung dulo, atlis hindi tikwas! or basta nag-conditioner ako shining shimmering splendid straight na sya! pero ngayon? waley! malambot lang sya pero super tikwas!!

InShot_20190718_162236609

Di na ko nakatiis, nag-message na ko sa facebook page nila at nireplyan naman ako! Punta lang daw ako sa branch nila para daw mabigyan ng solusyon.

Sumunod na weekend pumunta na nga ako sa kanila. di ko din alam ang sasabihin kasi di ko alam kung valid ang reklamo ko. pero ayon.. sabi ko nga ung tikwas ang problema ko. willing na kong ipa-iksi silang lahat para lang mapantay, baka sakaling ma-straight! baka kasi ung pagkaka-layer ang problema. o baka kelangan nilang i-rebond ulit diba.. di ko alam basta kelangan maayos yung tikwas.

wala naman silang maisagot na maganda. treatment lang ulit ang inoffer sakin.. tanong ko agad, maii-straight ba ang hair ko permanently?? HINDI DAW. so bat ako magpapa-treament?? tas hindi rin daw nila ko pwedeng i-rebond, antay pa daw ng 6 months.

Nakasimangot na ko.. kasi di nila ma-achieve yung gusto ko. naiinis din ako kasi hindi naman ito ung unang beses akong nagpa-rebond at alam kong hindi dapat ganto ung resulta. Tapos ung iba kong frennies kaparehas ko naman ng hairstyle pero bat sila hindi naka tikwas ang buhok at hindi kelangan mag blowdry everyday?! Nakakadismaya talaga. To think, 5 THOUSAND PESOS na ang ginastos ko para dito!

So para lang di masayang ung punta ko dun.. pumayag na ko magpa-treatment. libre daw. tas naisip ko nga, baka sakaling ma-straight pa sya pagkatapos.

Habang nilalagyan ako ng treatment.. naalala ko naman yung sinabi nya sakin nung nagpapa-rebond ako 2 weeks ago. tinanong ko kasi sya nun about volume rebond. sabi nya, iba daw un. ung voucher ko daw pang normal na rebond lang.. kung gusto ko daw ng volume rebond, balik daw ako after 10 days. add lang daw ako 2k pesos!

EUREKA!!!

hindi pwede rebond. pero pwede volume rebond??? o baka sinabi nya lang na di ako pwede magpa-rebond kasi malamang dapat libre yun dahil back job ito! lugi sila! So nung sinabi ko na willing naman ako magbayad for volume rebond… ayon! PWEDE DAW! edi meow!

So ang tanong ko ulit, since magkaka-volume na yung dulo ng hair ko, lagi na ba syang ganon kahit di ako mag-blowdry or plantsa everyday? HINDI DAW!!!! kelangan daw blowdry everyday para daw wag tumikwas!!!!

SO ANO NA? ANONG SILBI NG VOLUME REBOND?

HRRRGH!!! nauubusan na ko ng pasensya. Di ko na maalala kung sino unang nakaisip pero napag-usapan namin yung KULOT! bright idea! sabi ko nga papakulot ko na lang. tas sabi.. pwede daw yung volume rebond don. volume sya pero pakulot! YESSS!!! Finally! Ayun naman daw, No suklay needed. kelangan ko lang sya i-towel dry tas okay na! PERFECT!!!

Binigyan na nya ko ng pictures ng mga koreanang kulot.. napili ko ung big curls syempre. huwaw, ang gandaaaa!! excited na ko!

after ilang oras.. ayun. kulot na ko! yey!!!

InShot_20190718_164849541
GANDANG 7525 PESOS!!!!

Bale.. after 5 years na nga pala ako ulit magpapaayos ng hair haha! NAKAKALOKA!!!

Hindi nga rin pala totoo yung sinasabi nilang towel dry lang tas good to go na.. kelangan ko pa din kasi sya lagyan ng curl styling milk. ung sa Hairfix ang gamit ko! in fairness suki ako ng hairfix.. favorite ko din ung keratin straight nila nung di pa ko kulot e hehe. ayun lang.

atlis happy na ko. hmp.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s