binge watching · emote · Kwentong Pusa · Movie trip · PAG-IBIG · TULA

Meet me in my dreams

hrg
Basta ako.. no regrets! yiki! ^_^

HOOOOOY!!! ANG GANDA NUNG MEET ME IN ST. GALLEN!!!!!

Sheeeeet! Bat ngayon ko lang to napanuod? Pero actually, marami syang kaparehong story… di ko lang matandaan ung title ng mga movies basta marami na kong napanuod na ganon. Bukod pa sa sinasabi nilang “BEFORE” series kasi di ko pa din yun napanuod. dina-download ko pa lang ngayon kasi na-curious ako.

Pero ewan ko, siguro kasi tagalog ito kaya parang bago? hehe ewan.

Yung writer neto si ateng Irene din pala, yung sa ULAN movie ni Nadine at Carlo. favorite nya si Carlo, ano?

Nabanggit ko na dati na parang relate ako sa mga sulatin ni ateng Irene. tas eto, confirmed! relate talaga! yung mga pa-deep na side ko ulit syempre hehe.

Di ko na ikukwento ung tungkol sa story, pero artist kasi dito si Celeste. Tapos yung moment nila ni Jesse na sobrang tumatak sa kanya, nagawa nyang art. na-immortalize sa art nya. dun nya in-express yung feelings nya kasi nga hindi naman naging sila at wala syang contact kay Jesse after nung una silang magkakilala.

Naisip ko lang parang ganun din ako hehe. ang tawag ko don “Spoils of Love” nax!

May ginawa akong tula tungkol don. wait, eto sya:

Spoils of war
Spoils of love
Let yourself bleed
And feel the pain
Keep on writing
Until your poems
seem like trophies

Inspired lang din sa Percy Jackson Series! meron kasi don yung tinatawag na “spoils of war” yung parang reward or basta something na naiiwan pag natatalo nila yung isang kalaban. halimbawa, kay Medusa. Nung natalo nila si Medusa, naging abo ata lahat basta ung ulo nya lang ang natira. ibig sabihin, ayun ung spoil of war. Nakalimutan ko na kung may purpose yung mga spoils of war. basta, importante sya!

Parang yung art ni Celeste. Ayun ung kinalabasan ng feelings nya, ng experience nya. amazing diba, naging art! na-immortalize!

Syempre may entry din ako! Ewan ko nga bat sakto, o baka sinadya kong hanapin after ko mapanuod yung movie. nakakaloka, nahagilap ko yung mga “tula” ko at kung anu-ano pang mga emote.

emote

HUWOOOW! DRAMA QUEEN!!! haha! akalain mo yon may mga ganyan pala akong emote. hurt hurt lang ako non tas naging tula pala. edi ngayon natutuwa pa ako. nakaka-proud kaya. kasi sa ngayon wala na kong naisusulat hehe. ang galing lang.

Buti na lang din talaga kasi naisusulat ko sya ng ganyan at meron akong blog. kasi sa totoo lang, wala akong napagkukwentuhan ng mga ganyan kong hanash. baka isipin ng mga tao sobrang toxic ko haha. actually meron pala.. si rv toots! kaso simula nung magka-pamilya sya syempre hindi ko na sya masyadong inaabala. pero ung mga tao sa paligid ko.. waley! wala silang alam sa mga nangyayari sa buhay ko. sa feelings ko. sa thoughts ko. ni hindi nga siguro nila alam na ganyan pala ako ka-emo kung di ko pa ipo-post sa IG. kasi hindi naman ako nagkukwento! hmm.

Gusto ko magsulat ulit. kaso wala na ko maisip! kaya minsan sobrang okay din yung nakaka-experience ka ng pag-ibig e noh.. kahit na masakit. kahit na walang kwenta. totoo nga yung sabi ni pareng Alfred Lord Tennyson.. “It’sย better to have loved and lost than never to have loved at all” awaww!

Pero gaya nung sa Ulan.. kahit sobrang crush ko si Carlo.. hindi ko ulit sya gusto dito! hahaha! Ewan ko.. kulang! O baka asar lang talaga ko sa kanya dahil nga sa #cargel. basta. saka ang baby face nya kasi! parang forever syang teenager sa paningin ko.

Si Bela naman, super crush ko talaga yon! ang ganda ganda nya. at ang galing nya umarte.. basta. gusto ko sya! kaso parang di sila bagay ni carlo.. pero baka ako lang yon. kasi nga. gawa ng #cargel hahaha!

Ayoko din sana ng ending.. gusto ko masaya eh! Pero ayos na din.. maganda naman pagkakagawa. ayun ung sinasabi kong “kirot” na hinahanap ko sa Ulan hehe.

Bat ba kasi ngayon ko lang sya napanuod ano!?

Mejo nag-adik ako sa Pinoy movies nitong weekend. Bukod sa Meet me in St. Gallen e napanuod ko din yung 4 Sisters and a Wedding saka That Thing Called Tadhana kahit napanuod ko na dati (sa sinehan!!)

Wala ako makitang Exes Baggage eh.. baka magustuhan ko na si Carlo don!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s