Kwentong Pusa

Hello, Love, Goodbye!

Ay grabee!!

Napanuod ko yung Hello, Love, Goodbye!

Huhu.. ang ganda ganda ganda ganda! seryoso.. secret na lang kung kelan, anong oras at sinong kasama ko. lol. basta!

Ayaw pa nga namin panuorin kasi baka ma-Eerie kami ulit. yun bang super hype, daming positive reviews. kesyo maganda raw, ganyan. tas nadismaya lang kami. although maganda naman talaga yung cinematography at ang galing ni Bea! kaso sinayang nila.. sana nilaliman pa yung kwento. basta. nakakadismaya.

Anyway, tungkol sa Hello, Love, Goodbye.. shucks!!

Na-amaze lang ako kase minsan hinahanap ko kung san ako banda makaka-relate para maapprecite ko yung movie. Pero dito.. ang galing. wala ako don haha. pero naappreciate ko sila. Ni hindi ko gusto si Kathryn at Alden.

Hindi ako OFW. Hindi ako hardworking (lol) Hindi ako ung tipo na gagawin ang lahat para sa pamilya.. hindi dahil sa wala akong puso ha? wala namin kasi akong pamilya talaga! si lolit lang. tas okay naman sya, very low maintenance. Di naman ako na-love at first sight. Di rin ako yung tipo na gagawin ang lahat para sa pag-ibig. Di rin ako yung gagawin ang lahat para sa pangarap.

Bale.. patay na bata ako. wala masyadong hugot na ganon sa buhay. mejo mukha lang akong pera. work work at raket raket para sa pera, ganern. pero saktuhan lang. walang hardcore na hagardan sa work at kung anu anong sinasakripisyo sa buhay. Graduate na siguro ako dun sa “I want more! I want to be more!!” kaya deadma na ko don.

Pero itong sila nga.. grabe mangurot eh! Ang galing ni kathryn.. tas ang galing ni Alden. parang ang pogi nya dito?? di sya pabebe masyado!

Tas di rin OA ung mga eksena.. ung mga drama nila sa buhay, sakto lang. Yung mga pakilig na eksena, sakto lang din. very subtle pero solid! mejo hindi ko type ung sa “stuck room” pero ako lang yon. ayos na din.. nasagip ni Joross! haha.

Speaking of Joross, ang galing nung supporting cast! tawang tawa ako sa kanilang lahat. super winner! hindi pilit ung comedy. hindi trying hard ung linyahan at punchlines. OA sila pero saktong OA! hala, ano daw? hahah! basta. ang galing nila.

Naappreciate ko din yung tinutulungan ni Ethan si Joy na magbenta ng paninda nya. Hindi ung kagaya sa ibang movie na sigi lang pakita ng pera ng leading man pag halimbawa hirap sa buhay si ate girl. di ikaw na may pera! Atlis eto mas totoo.. nag online store sya haha, astig! Tas yung smile at titig nya kay Joy dun sa beauty contest.. wow! Okay din na pinakita yung ex nya.. para sure na super closed book na sila.

Di ako naiyak kasi di naman ako iyakin pero maraming touching scenes at super emotional na mga moment.. na sobrang nagustuhan ko kasi ang galing nga nila. ilang beses ko na ba sinabing magaling sila? waha! basta yung mga kasama ko nag-iiyakan maya’t maya.

Nakaka-amaze kase hindi mo pala kelangan ng hardcore na rason like namatayan or na-rape o kung ano pa man para maglabas ng ganung emosyon?? ang galing ni kathryn dun! di ko sinasabing mababaw yung rason nya sa page-emote ha. nahusayan ako kase yung emote nya dahil sa halo halong emosyon, frustrations at naipong sama ng loob. which is mas nangyayari sa totoong buhay tas naramdaman ko sya. galing kaya! maraming beses nyang pinakita yun sa movie.

Nung una kong narinig na magtatambal sila sa movie parang tumaas kilay ko. kahit saang banda tingnan hindi sila bagay! Kahit di ako fan syempre alam ko ung KATHNIEL at ALDUB. yun na yun eh. pano mo ipe-pair si Kathryn kay Alden?! Pero dito sa movie.. in fairness ang galing nila. Bumagay si Ethan at Joy. In character sila! Nakalimutan ko yung kathniel at aldub. Di ko na alam kung dahil yun sa hindi ako masyadong fan o bumagay nga sila talaga. Wala naman ako masyadong napanuod na ibang palabas nila. Yung She’s Dating the Gangster lang ilang taon na ang nakalipas tas ung Kalyeserye. Basta, kinilig ako kila Ethan at Joy hehe.

Okay din yung pasimpleng mini tour sa Hong Kong. Yung ibang movies kase pag nagsu-shoot sa ibang bansa or basta kung ano mang distinct na lugar.. kahit di bagay sa story dun sila magsu-shoot sa tourist spots o kung ano pa man. basta maipakita lang ung magagandang spot ganern. Dito sa Hello, Love, Goodbye.. nakakatuwa kasi normal na everyday life ng OFW ang pinakita nila. Di masyadong OA ung pa-tour. Nung ginusto nilang ipakita yung tourist spots, dineclare naman ni Ethan na tour nga yon para mas natural haha. 3D2N all expense paid HK tour!

Bonus din na may pa-tribute sila sa pambansang OFW movie ng pinas. Si ate Vi pa din ang reyna ng mga OFW, syempre! astig!

tas yung akala mo e tapos na.. may pa-finale pa silang pangungurot! grabe.. solid yung last scene ni Ethan sa rooftop! kumirot puso ko e!!! dun ako muntik na maluha nyahaha!!!

Ang ganda rin ng ending.. para syang happy ending na hinde. hala, pano yon?? Kaya nga sinasabi kong magaling sila kasi nagawa nila yon. mga saktuhan lang!

Ewan ko ba jan ke Joy. Ang ganda ganda na ng plano ni Ethan eh.. pag resident na sya pwede na nya gawin kahit anong gusto nya. Kaso nga strong and independent woman daw sya. ay sya! tas DH lang din pala sya sa Canada e noh!? haynako.

Maganda yung ending pero bitin!!! May post credits ba yon? Sana meron! or PART 2!!! Ipakita naman nila anong nangyari after 2 or 3 years diba. Ano, ganun ganun na lang!? panagutan nyo feelings ko oi!!!

640_hlg02_2019_08_01_16_51_35

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s