Kwentong Pusa

goodnight

Nalulungkot ako.

Ano to, midlife crisis ulet?

Ewan ko ba.. mali ata ung pauso kong “magdesisyon ka kahit ano lang tas panindigan mo”.

Ang weird noh? parang ginawa mo na lahat tas parang may kulang pa din. May goal naman ako kaso minsan parang, “ano nga yung goal ko?” o kaya ano na meron after?Β  o tama ba itong tinatahak ko? bat parang wala namang nangyayari!? parang di pa rin masaya?

Tas nabalitaan ko pa wala na din si Sulli. ANO BA!? grabe namaaaan… well, di naman ako fan. nakilala ko nga lang sya bilang kontrabida sa Daragon e. pero natutuwa ako sa kanya kasi sobrang free spirited sya. alam mo yon, wapakels. basta gagawin nya yung gusto nya. tas mahilig pa sya sa pusa. kaso ngayon.. grabe, 26 lang sya! o 25 ba? sobrang bata! ang ganda ganda nya at talented pa. tapos ganun lang? may mga friends naman sya.. kaso pano nangyari yun? ang hirap pala kalabanin talaga ng depression.

bukambibig ko lang yun minsan “nadi-depress” ako pero di naman yung OA na parang gusto ko na tumigil ang mundo.. sad sad lang ganon. parang ngayon. pero bukas.. sana.. sana nga okay na ulit. tomorrow is a new day. saka marami pa naman akong gustong gawin sa buhay ko. tas pano na mga alaga ko diba.. so ayun. char char lang pala yung lagi kong sinasabing depressed ako. or pag sinasabi kong “auq na”. ganun lang ako malungkot. minsan may pa-cry-cry. pero tuloy pa din ang buhay.

so pano na nga. ano plano?

hayyy. auq na.

pano nga kaya kung mag-isa na lang ako noh? kaya ko ba?? kaya ko naman na eh. feeling ko di bagay sakin ang may kasama. ang selfish ko masyado. saka parang ang hirap ko atang pakisamahan.. kahit feeling ko mabait ako. siguro masyado akong weird.

hmm.

 

5 thoughts on “goodnight

  1. Tulaley ako kahapon sa balitang yan. Gusto ko si Sulli. Siya ang unang korean actress na nagustuhan ko dahil sa To The Beautiful You. Yung to the point na ginawa ko siyang profile pic ko. Yung nagmarathon ako ng youtube videos niya na kung anu-ano lang. Masayahin siyang tao. Tama ka, very free-spirited. Walang kebs sa kung anong sasabihin ng mga tao basta masaya siya. Nakakalungkot. πŸ˜₯

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s