Kwentong Pusa

Freshness!

1 month na nga pala akong nagdo-dorm hehe.. di naman ako dun everyday pero.. wala lang. nakakatuwa lang!

Dun ako natulog kagabi tas mamaya dun ulit kasi nga wala kaming service. ang hirap bumiyahe!

Namimis ko na mga alaga ko.. buti na lang meron na kong CCTV sa bahay. IP camera lang naman, yung mumurahin hehe, nabili ko sa Shopee! 600 lang yun.. pwede na, atlis nakikita ko sila.

In fairness naman sa akin, ngayon lang ako ulit nakaranas makapag-scrub ng katawan pag naliligo waha! dati kasi sobrang lagi talaga akong nagmamadali. maswerte na nga kung maka-4hrs akong tulog e. tas sa umaga 30 minutes lang talaga preparation ko kasama na ung pagtakbo sa pick up point ng service. pag uwi naman work agad o kaya linis ng cat litter.. makipaglaro kila shushu. pakain ng mga alaga. hilata galore. nuod iwanttv at tulfo. ewan ko.. tamad ako maghilamos sa gabi. saka parang di naman ako naiinitan kaya siguro di na ko naghihilamos.

E ngayon sa dorm pag umuuwi ako mainit! ayon.. napapa-wash ako. ang sarap matulog ng feeling fresh!! todo kukuryo pa ko with matching face mask omg. sobrang namis ko mag face mask. tapos sa umaga ang dami ko din time magpaganda nyahehe. nakakatuwa lang. ang sarap din ng feeling nang hindi nagmamadali.

Sabi ko kelangan ko mag-dorm para makapag-work e hindi naman ako nagwowork pag nasa dorm. literal na tulugan ko lang sya talaga.. nung nakaraan nga inabot pa ng 10 hours tulog ko. huwaw! okay na din.. health is wealth! sobrang happy ako ngayon kasi kahit pano nakakapagpahinga ako. kesa dati straight talaga tig 2 to 3 hours lang tulog ko everyday. ewan ko ba parang nasanay na ata.. kahit wala akong ginagawa sa bahay late na ko nakakatulog. pag sabado lang ako mejo nakakatulog ng mahaba. mga 6 hours ganon.

Ano bang meron sa dorm bat masarap tulog ko.. hmm…

naalala ko na. maaga kasi matulog mga roommates ko! nahihiya ako kumilos sa gabi baka maingay ako tas magising sila.. tas patay na un ilaw. ayon.. natutulog na lang din ako.

Pero syempre di naman pwedeng laging ganto. Nag-apply na din ako ng dagdag na work. kinakabahan ako!!! nakakatakot kaya mag-apply. gusto ko na sana karirin yung kasalukuyan kong work kaso mejo slow kami ngayon, wala masyadong binibigay pa sa akin, busy daw siya e. kaya tuloy patulog tulog lang ako waha.

Problema ko nga pala wala na kong stock na damit pang-opis. malamang T-shirt ako bukas haha.. bahala sila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s