beauty tips · KORYAN · Kwentong Pusa

Tigyawat party, K-beauty and everything

Tutal madaldal ako nitong mga nagdaang araw at dami kong time mag-blog itotodo ko na. ikwento ko na din yung tungkol sa tigyawat ko, ano po?

Mejo nakakabadtrip naman kase. hindi kagandahan yung balat ko pero bukod sa tila daw wala akong pores, di naman ako tigyawatin.. sobrang bihira lang talaga tapos paisa-isa lang sya. after ng ilang araw mawawala na lang din. And usually, kapag lang nagta-travel ako tinitigyawat! pag mga normal na araw, wala talaga!

Pero ngayon.. may tigyawat ako sa fez tatlong piraso!!! grabe, namumula mula sila at feeling ko ang tagal na nilang nasa fez ko!!!

Ni hindi nga ako naglalamyerda ilang buwan na eh! Pero alam na alam ko kung sino ang mga salarin this time!

Heto sila….

skin lotion, deep c moisturizer, collagen cream, ponds, micellar water

Bat ba kasi ako gumamit nyan e noh!?

Bilang nagkakaedad na kasi ako.. naisip ko kelangan ko na ng Collagen. ayoko naman ng tablet or capsule, sumasakit kasi ang tiyan ko pag umiinom ng kahit anong gamot. so naghanap ako ng jellies! parang yung nakita ko sa Korea.. uso kasi dun ung vitamin jellies.

Buti may nakita ako sa Shopee.. mejo mahal, Php850 ung 31 Collagen jellies. pero okay na din, try ko lang! malay natin diba gumanda pa ung skin ko. tutal nakakapagkuskos na ko ngayon pag naliligo waha!

So ayon.. naisip ko lang dagdagan yung order ko. nakita ko lang sa store nya yang mga yan. tapos ang ganda ng description.. maganda daw sa skin blah blah blah. e sakto paubos na rin yung moisturizer ko, edi bumili nga ako. tapos yung micellar water naman, nadala lang din ako sa patalastas. para kako makalinis ako ng face sa gabi nang hindi nababasa yung mata ko.

Tapos eto na sya.. as in after ko silang gamitin, tinigyawat ako!!! hrrrgh!!!

AUQ NA!

Bigay ko na lang yan kay lolit haynako talaga.

Dami kasing arte.. di makuntento!

Balik Human Nature na ako. Eto lang naman yung regular kong ginagamit:

beauty
pang everyday look skincare chenes

Mga Year 2011 ako nag-start umarte-arte sa skincare. Bago yon Ponds cream at pulbos lang gamit ko.

Basta.. nag-start kay Jang Geun Suk! super crush ko sya non gawa ng You’re Beautiful na K-Drama saka Marry Me, Mary! Tapos napanuod ko din yung Baby and I at iba pa nyang movies.

Bago lang din yung Nature Republic nun sa Pilipinas at sya ang model. Grabe yung kaadikan ko nun sa Nature Republic.. pano kase, pang-uto nila si Jang Geun Suk! pag daw naka-300pesos may libreng plastic pouch na may face ni Jang Geun Suk. Pag naka-500 may libreng poster. Pag naka-1000 may libreng folder. Pag naka-3000 may libreng standee. Basta ganon! So bili naman ako ng bili.. kahit di ako nagli-lipstick ang dami kong lipstick non. Tapos nakabili din ako ng set ng mga toner at moisturizer. natuto din akong mag-BB cream. ako pa nagpauso nun sa Office. may pa-sunblock pa ako at kung ano ano pa. pati yung mga tipong di mo naisip na kelangan mo pala, meron akong lipstick base non. saka hair mist at face mist. meron pang kili kili scrub at kili kili cream. ang weird diba.. di ko alam ung mga ganun dati.

Photo2819 (1)
Seukki oppa!!!!
Photo2953-1 (1)
OMG naaalala ko pa yung amoy ng peach facial cleanser na yan. sobrang bango!! at winner din yung Snail na face mask!

tapos adik din ako sa nail polish at sobrang naadik ako sa face mask sheets. basta.. isipin mo na lang nakaka worth 1k plus or 3k plus ako kada punta ko don. Tapos isa pa lang ang branch ng Nature Republic non.. sa SM North pa lang. as in dinadayo ko sya galing pa ko sa Bulacan! sobrang adik. Nakaipon din ako ng paper bag non na may pagmumukha ni Jang Geun Suk.

Pero in fairness sa Nature Republic, sobrang nagustuhan ko talaga lahat ng products nila. kahit di na si Jang Geun Suk yung model nila bumibili pa din ako.

Hanggang sa nauso na nga yung iba pang Korean Beauty Products at naka-try din ako ng ibang brands.. basta puro korean gamit ko.

E kaso naman, mejo pricey talaga ang Korean Products diba. di ko na kaya haha! Buti na-try ko yung Skin care product ng Human Nature at hiyang naman ako. Ayun.. unti unti nag-switch ako sa Human Nature. Naging active akong dealer ng Human Nature mga bandang 2017. BB Cream at Sunblock na lang ang gamit kong korean ngayon kasi walang ganun sa Human Nature.

Tapos Johnson’s Baby Powder syempre!

Basta. Human Nature tayo!Β ^_^

 

 

 

One thought on “Tigyawat party, K-beauty and everything

  1. Hahahaha. Ba’t di mo inachieve ang standee? Tawang-tawa ako. Buti na lang kahit mahal ko si Joong Ki hindi ako nag-adik sa skin care products. Hehehe. Ang meron ako eh mouse pad, memo pads, stickers at photo calendar niya. Hahahahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s