PAG-IBIG · TULA

Hedgehog’s Dilemma

Huwag kang lumapit Ayokong saktan ka Malungkot ang mag-isa Pero ayoko maging masaya Tama na sa akin Ang makita kang andiyan Nagbabantay, naghihintay At umaasang tanggapin ka Hindi pa ngayon Ang tamang panahon Hindi ko rin alam Kung hanggang kailan Takot akong masaktan Takot ding masaktan ka Mabuti pang wag na Tawagin man akong duwag